Balita

Alden, kahilera ang mga pari sa CMMA nomination

- Nora V. Calderon

MARAMING bumati kay Pambansang Bae

Alden Richards nang mapabilang sa mga nominado sa Catholic Mass Media Awards 2018 (CMMA 2018).

Nominado si Alden sa kategoryan­g Male Influencer of the Year ng CMMA 2018, kasama ang tatlong pari na sina Fr. Joel Jason, Fr. Luciano

Felloni, at Fr. Jeffrey S. Segovia. Nominated din sa nasabing katergorya si Kirby Llaban na isang Motivation­al Speaker. Wala pang anunsiyo kung kailan gaganapin ang awards night CMMA ngayong taon.

Nagpaabot naman ng pasasalama­t si Alden para sa natanggap na nominasyon.

Samantala, balik-taping na ngayong Miyerkules si Alden, dahil matapos ang limang araw na pahinga ay sasabak na ulit siya sa sunudsunod na action scenes sa Victor Magtanggol, dahil susubukan na ng kanyang mga kalaban ang kakayahan niya bilang si Hammerman. Isa nga sa mga nakalaban niya ay ang mahusay na action star na si Ian Ignacio na gumaganap bilang si Thrym. Paano niya tatalunin si Thrym na mula sa ibang mundo?

Gayundin, isa pa sa inaabangan ng mga tagasubayb­ay ng action-drama –fantasy series ay ang muli nilang paghaharap ni Loki, na ginagampan­an naman ni John Estrada.

Si Loki ang hari ng mga manlilingl­ang at kaya niyang magpalit ng katauhan ng kahit na sinumang gustuhin niya. Nagawa nga niyang ipagpalit ang sarili kay Gwen (Janine

Gutierrez) kaya natuklasan niyang si Victor si Hammerman.

Napapanood gabi-gabi ang Victor Magtanggol pagkatapos ng 24 Oras.

 ??  ?? Alden
Alden

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines