Balita

Stop na sa paggamit ng ‘Don’t Stop the Music’

-

UMAKSIYON na si Rihanna.

Nitong Linggo, nag-tweet ang journalist na si Philip Rucker na ginagamit ni President Donald Trump ang kanta ng singer na Don’t Stop the Music sa isa sa mga Tennessee rallies ng Presidente, na dahilan para mag-isyu si Rihanna ng statement na naglalayon­g patigilin si Trump na gamitin ang kanyang kanta, ulat ng Entertainm­ent Tonight.

“It’s been said a million times, but here’s a million and one — Trump’s rallies are unlike anything else in politics,” post ni Philip. “Currently, Rihanna’s Don’t Stop the

Music is blaring in Chattanoog­a as aides toss free Trump T-shirts into the crowd, like a ball game. Everyone’s loving it.” “Not for much longer...me nor my people would ever be at or around one of those tragic rallies,” kaagad na reply ni Rihanna. “So thanks for the heads up, Philip!”

Hindi si Rihanna ang unang musician na nagkaroon ng isyu tungkol sa paggamit ni Trump ng kanilang mga awitin sa kanyang mga rally. Ayon sa Vulture, aabot na sa 14 artist, mula kay Neil Young, sa Guns N’ Roses, at sa

Queen, ang nagpaabot na ng kanilang pagtutol hinggil sa paggamit ng kanilang mga awitin sa rallies ni Trump.

Ito ang tanging paraan para ipakita niya ang pagtutol niya sa administra­syon ni Trump. Nitong

Linggo, nag-post si Rihanna ang black-and-white photo ng babaeng protester na may hawak na sign at nakasulat dito: “Grab ‘Em By the Midterms,” at malinaw na ito ay patungkol sa infamous Access Hollywood tape ni Trump. Sa caption niya sa Instagram, nanawagan siya sa Florida voters na suportahan ang Democratic nominee na si Andrew

Gillum sa kanyang kampanya upang maging unang African-American governor ng state sa midterm elections. “FLORIDA: You have the opportunit­y to make history this election,” post ni Rihanna. “The US has only had four black Governors in its entire history, and we can help make #AndrewGill­um the next one and Florida’s first!” “If you’re tired of feeling like you don’t matter in the political process, know the most important thing you can do in supporting a candidate is finding someone who will take on critical issues such as: making minimum wage a livable wage, paying teachers what their worth, ensuring criminal justice reform, making healthcare a right, and repealing Stand Your Ground,” pagtutuloy niya. “That’s a platform we MUST support.”

 ??  ?? Rihanna
Rihanna

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines