Balita

Therapy saved my life—Ariana

-

IBINAHAGI ni Ariana Grande kung paano siya natulungan ng pagsailali­m sa therapy.

Sa tweet niya nitong Lunes, sinabi ng 25 taong gulang na pop star – na kamakailan­g tumapos sa engagement nila ni Pete Davidson, kasunod ng pagkamatay ng kanyang exboyfrien­d na si Mac Miller -- na “therapy saved her life”, ayon sa Entertainm­ent Tonight.

“Who is Ariana’s therapist are they accepting new patients,” tweet ng isang fan.

“Lmaoaoo this is funny as f**k but in all honesty therapy has saved my life so many times,” reply naman ni Ariana sa naturang tweet. “If you’re afraid to ask for help, don’t be. U don’t have to be in constant pain & u can process trauma.”

“I’ve got a lot of work to do but it’s a start to even be aware that it’s possible,” sabi pa ni Ariana.

Ipinost ang tweet sa araw kailan nakumpirma na ang pagkamatay ni Mac noong Setyembre ay dahil sa accidental overdose nang aksidente niyang mapaghalo ang fentanyl, cocaine at alcohol.

Nabunyag din ang pinag-uusapang therapy kasunod ng paglabas ng Thank U,

Next, ang bagong surprise song ni Araina, nitong weekend. Sa kanta, binanggit ni Ariana ang ilan sa kanyang mga naging boyfriend kabilang sina Pete, Mac, Big Sean at Ricky

Alvarez. Nitong Linggo, sinigurado ni Ariana na narinig ng mga ex niya ang naturang kanta bago pa man ito i-release.

Gayundin, nitong weekend, pinasalama­tan ni Ariana ang fans niya for making her “feel so not alone.”

“Thank u for hearing me and for making ♡ me feel so not alone,” aniya. “I truly am grateful. No matter how painful! I’m thankful and I love u. Breathin visual this week too! Thank u, next.”

Kasunod ng release ng kanta, nagsalita naman si Pete tungkol sa hiwalayan nila ng pop star sa Weekend Update segment sa Saturday Night Live.

“I know some of you are curious about the breakup, but the truth is, it’s nobody’s business, but sometimes things just don’t work and that’s OK,” sabi ni Pete. “She’s a wonderful, strong person and I genuinely wish her all the happiness in the world.”

Bago ito, nagbiro si Pete sa SNL promo tungkol sa mabilis niyang engagement, na sinita naman ni Ariana sa sunud-sunod na ngayon ay burado nang tweets. Nitong nakaraang linggo, sinabi ng source na malapit kay Pete sa ET na nilalabana­n niya ang sakit na nararamdam­an sa pamamagita­n ng comedy.

“He’s obviously hurt it didn’t work out but is doing his best to move on,” lahad ng source. “Anyone would be hurt after an engagement was broken off. Pete joked about him and Ariana [when they were together]. So joking about breaking up and their relationsh­ip is not new.”

 ??  ?? Ariana
Ariana

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines