Balita

PSC SALUDO KAY YULO

-

Ipinagmala­ki ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang pagkapanal­o ni artistic gymnast Carlos Edriel Yulo’s ng bronze sa kanyang naging kampanya para sa 48th World Artistic Gymnastics Championsh­ips na ginanap sa Doha Qatar.

Ang 18-anyos na si Yulo ng kaun-unahang Filipinong atleta na nagwagi ng medalya para sa Pilipinas sa World Championsh­ip sa gymnastics.

Isang kasaysayan ang ginawa ni Yulo, ayon kay Ramirez, dahilan upang makilala muli ang Pilipinas sa larangan ng isport.

“We at the PSC are more than happy for the historic achievemen­t Yulo has done for the country,” ayon kay Ramirez.

“Caloy has been a one of our consistent athletes that is why the PSC has been very supportive of his efforts. “He has proven to be a good investment of the people’s money given the achievemen­ts he continues to bring home,” dagdag pa ng PSC chief. Inayudahan ng PSC ang pagbiyahe ni Yulo at ng staff ng Gymnastics associatio­n patungong Qatar kung aan inaprubaha­n ng Board ang halagang 1.4 milyong piso upang masuportah­an ang kampanya ng delegasyon sa kompetiyon na nagsimul noong Oktubre 19 hanggag Nobyembre 4.

Samantala, sinabi naman ni Gymnastics Associatio­n of the Philippine­s (GAP) president na si Cynthia Carreon na hindi madali ang target ni Yulo upang masilat ng puwesto para sa 2020 Tokyo Olympics. Sa katanuyan, nakatakda muling lumaban si Yulo sa Cottbus World Cup na gaganapin sa Germany ngayong darating na Nobyembre 22 hanggang 25 gayung kilangan nluiyang lumahok sa mga nasabing kompetisyo­n upang masiguro ang slot sa olimpiyada. “It’s not easy to qualify in the Olympics especially in gymnastics. That’s why he has to compete in all these tournament­s,” pahayag ni Carrion, nang dumalo ito sa lingguhang forum ng Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) kahapon.

 ??  ?? Carlos
Carlos
 ??  ?? Ramirez
Ramirez

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines