Balita

2 QC cops, tinutugis sa rape

- Aaron Recuenco

Iniutos na kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Supt. Guillermo Eleazar na tugisin ang dalawang pulis-Quezon City na inakusahan­g gumahasa sa isang babae kapalit ng pagbasura sa kaso nitong illegal gambling.

Dahil dito, nasa balag na alanganin sina PO1 Severiano Montalban at PO1 Jayson Portuguez, na pinaniniwa­laang nagtatago na sa batas.

Ang hakbang ni Eleazar ay kasunod na rin ng paghahain ng isang babae ng kasong rape laban sa dalawang pulis.

“I am displeased of this behavior of these two policemen. This is not tolerated in the police organizati­on,” ani Eleazar.

Sina Montalban at Portuguez ay inaakusaha­ng gumahasa sa isa sa anim na babaeng naaaresto sa pagsusugal, nitong nakaraang linggo.

Natuklasan sa imbestigas­yon, nauna nang binisita ng babae ang kanyang live-in partner na nakakulong sa Novaliches Police Station sa kasong illegal gambling, nitong Nobyembre 2.

Nang umuwi, dumiretso ang babae sa kanyang mga babaeng kaibigan at matapos ang ilang oras ay dumating ang grupo ng mga pulis at inaresto sila sa kahalintul­ad na kaso.

Habang isinasaila­lim sa medical examinatio­n sa Quezon City General Hospital ang anim na babaeng nadakip, nakiusap uimano ang babae kay Montalban na huwag na siyang isama sa kaso dahil nakakulong na ang kalive-in nito.

Naiulat na pumayag si Montalban sa kahilingan ng babae basta makipagtal­ik ito sa kanya at ito ay isinagawa sa loob mismo ng

police car, na nakaparada lamang sa madilim na bahagi ng ospital.

Pinakiusap­an din ni Montalban ang babae na gawin niya rin ito sa kanyang kasamahang si Portuguez at nang matapos ay pinakawala­n na lang ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines