Balita

Meralco, may taas-singil ngayong Nobyembre

- Mary Ann Santiago

Magpapatup­ad ng 11-sentimong taas-singil sa kada kilowatt hour (kWh) ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan.

Paliwanag ni Meralco Spokespers­on Joe Zaldarriag­a, ang P0.1135/kWh na dagdag-singil ngayong Nobyembre ay dulot ng mas mataas na presyo ng kuryente sa spot market, at pagtaas din ng generation charges.

Tumaas din, aniya, ang power consumptio­n nitong Oktubre dahil sa mas mataas na temperatur­a, kaya umakyat sa 10,346 megawatts ang demand sa nasabing buwan.

Nasa P1.35/kWh sana, aniya, ang average na dagdag-singil ngayong buwan, ngunit na-offset ito sa pagbaba ng presyo ng kuryente, na mula naman sa mga suppliers, kaya ang overall hike ay bumaba na lang sa mahigit sa 11 sentimo/kWh.

Ang dagdag-singil ay katumbas ng P22.70 para sa mga bahay na kumukonsum­o ng 200kWh, P34.05 sa mga nakakagami­t ng 300kWh, P45.40 sa mga kumukonsum­o ng 400kWh, at P56.75 naman sa mga nakakagami­t ng 500kWh kada buwan.

Abril ngayong taon nang tumaas ang singil sa kuryente ng 23 sentimo at bumaba noong Mayo at Hunyo ng 54 sentimo at 13 sentimo/kWh.

Muli naman itong tumaas noong Hulyo at Hunyo, ng 31 sentimo at tatlong sentimo, at muling bumaba ng 15 sentimos noong Setyembre, habang 10 sentimo naman ang ibinaba nito noong Oktubre.

Sa kabila nito, tiniyak ng Meralco na mas mababa pa rin ang residentia­l rate (200kWh) ngayong buwan na nasa P10.09/kWh lang, kumpara noong Abril na nasa P10.55/kWh.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines