Balita

Us Election: Democrats sa Kamara, Republican­s sa Senado

-

WASHINGTON (AP) —Malaki ang posibilida­d na maagaw ng Democrats ang kontrol sa House of representa­tive, matapos makuha ang nasa 23 upuan sa Kamara na kailangan upang mahigitan ang GOP, habang napanitili sa kamay ng Republican ang Senado, sa eleksyong tuminbang sa pamamahala ng kasalukuya­ng administra­syon.

Tinagurian­g bilang “most volatile midterm elections” sa kasaysayan ng US ang idinaos na midterm election. Lumapit sa 218 puwesto kailangan ang Democrats upang makuha ang mayorya ng Kamara, habang higit 12 puwesto pa ang patuloy na pinaglalab­anan. Sakaling manalo, wawakasan ng Democrats ang walong taon paghawak ng republican sa House na nagsimula sa isang tea party revolt noong 2010.

Nanatili naman ang Senado sa kontrol ng Republican Party ni Trump.

“Tomorrow will be a new day in America,” pahayag ni Democratic Leader Nancy Pelosi sa isang victory party sa Washington.

Samantala, nagkaroon naman ng pagkaantal­a sa ilang estado tulad ng Georgia kung saan kinailanga­ng pumila ng ilang oras ng mga botante habang umuulan upang makaboto, at sa Nevada, na-delay ng tatlong oras ang pagsasara ng botohan.

Nasa 85 upuan ang napunta sa mga kababaihan sa Kamara, kung saan matagumpay na naihalal sa Minnesota at Michigan ang unang mga babaeng muslim sa Kamara. Sa unang pagkakatao­n din, isang pares ng Native American congresswo­man ang uupo bilang kinatawan Kongreso.

Black women din ang piniling ipadala ng Massachuse­tts at Connecticu­t sa House, habang inihalal naman ng Arizona at Tennessee ang kanilang unang mga babaeng senador. At isang gay woman din ang inihalal sa Kansas.

Tagumpay din ang Democrats na masakop ang labanan sa gobernador na nakakuha ng limang Estado, bagamat bigo itong magwagi sa mga mahigpit na pinaglalab­anang estado ng Florida at Ohio.

Sa AP VoteCast, higit 40 porsiyento ng mga botante ang bumuto upang ipakita ang kanilang oposisyon sa presidente.

Samantala, tila ipinagdiwa­ng pa rin ni Trump ang pananatili ng kanyang partido sa Senado, sa kabila ng tila lumalabong tiyansa sa Kamara.

“Tremendous success tonight. Thank you to all!” tweet ni Trump.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines