Balita

Deployment ban sa UAE, muntikan na

- Genalyn D. Kabiling

Magpapatup­ad sana ng deployment ban sa mga manggagawa­ng Pinoy sa United Arab Emirates (UAE) kung natuloy ang pagbitay sa overseas Filipino worker (OFW) na si Jennifer Dalquez.

Ito ang pinanindig­an ni Pangulong Duterte matapos niyang magpatawag ng pulong sa kanyang Gabinete nitong Martes.

Nailigtas si Dalquez sa parusang bitay nang mapawalang-sala sa pagpatay sa kanyang amo, at nakauwi na sa bansa nitong Nobyembre 2 matapos ang apat na taong pagkakakul­ong.

Naging emosyonal din si Dalquez nang makadaupan­g-palad si Pangulong Duterte nitong Martes.

“Kaka-release lang nung babae doon sa—(taga-)Maguindana­o ‘yun. She’s a Maguindana­o lady. Before coming here, nag-usap kami kasi she was spared,” ayon sa Pangulo.

“Sabi ko kasi, ‘P ******* i** bitayin ninyo ‘yan,’ sabihin ko sa inyo, I will immediatel­y order the suspension of the employment,” anang Presidente.

Hiniling na rin ng Pangulo kay Labor Secretary Silvestre Bello III, na nasa pulong, na ipaalam sa publiko ang naging kaso ni Dalquez.

Inamin naman ni Bello na nais ng Punong Ehekutibo na tuluyang magpatupad ng total deoploymen­t kung bibitayin si Dalquez.

Ayon sa kalihim, nagtungo na sila ni Philippine Overseas Employment Administra­tion Head Hans Leo Cacdac sa Abu Dhabi upang ipabatid ang sentimyent­o ng Pangulo.

“I said, ‘the President respect your justice system but the President feels that if you hang his countrymen, then he just to declare a total deployment ban for the entire United Arab Emirates,’” ani Bello.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines