Balita

Kelot, tiklo sa R500-palit-sex video

- Orly. L. Barcala

Sising-sisi ang isang binatang nangikil ng P500 sa isang lalaking college student kapalit ng hindi niya pagpo-post sa social media ng mga hubo’t hubad na larawan at sex video ng huli, matapos siyang maaresto sa entrapment operation sa Nueva Ecija, nitong Martes ng hapon.

Kinasuhan ng robbery extortion in relation to RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyuerism Act) si Brian Dayle Avila, 21, ng Barangay San Isidro, Zaragosa, Nueva Ecija.

Kuwento ng 22-anyos na complainan­t, estudyante, residente ng Barangay Balubaran, Valenzuela City, bandang 3:00 ng hapon nitong Lunes nang nakatangga­p siya ng mensahe sa Viber mula sa isang Maricel De Los Reyes kaugnay ng mga hubad niyang larawan at sex video.

Nakasaad sa mensahe na kailangang magbigay ng biktima ng P500 upang hindi i-post sa mga kaibigan ng estudyante ang kanyang nude photos at sex video.

Dahil dito, humingi ng tulong kay Major Jose R. Hizon, hepe ng Station Investigat­ion Unit (SIU) ng Valenzuela City Police ang complainan­t, at ikinasa ang entrapment sa Bgy. Malinta, gayunman, hindi sumipot ang suspek.

Nang mag-verify ang pulisya sa address ng taong padadalhan ng pera sa Smart Padala, nadiskubre ng mga pulis na taga-Nueva Ecija ang suspek kaya nagkasa ng panibagong entrapment nitong Martes ng hapon sa Bgy. San Isidro sa Zaragoza, Nueva Ecija.

Naaresto si Avila nang kukunin na ang ipinadalan­g pera, at narekober dito ang mga larawan at sex video ng biktima, na nagtataka kung paanong napasakama­y ni Avila ang nasabing mga litrato at video.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines