Balita

R8-M shabu, nasabat sa Cebu

- Fer Taboy

Nasabat ng pulisya ang tinatayang aabot sa P8 milyong halaga ng shabu at nahuli ang walo katao sa magkasunod na buy-bust operations sa Cebu City at Talisay City sa Cebu, kahapon.

Ipinahayag ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) na ang pagsalakay ay isinagawa sa Barangay Lorega San Miguel, Cebu City at sa Bgy. Tabunok, Talisay City.

Unang nahuli ng pulisya ang suspek na kinilalang si John Ryan Saballa, 18, ng Bgy. Lorega San Miguel, sa nabanggit na lungsod.

Nasamsam umano sa kanya ang 160 gramo ng shabu na nagkakahal­aga ng P1.7 milyon.

Nahuli naman ng Provincial Drug Enforcemen­t unit at Provincial Intelligen­ce Branch si Cheryl Herongay, 31, sa Talisay City.

Kasama sa nahuli ang anim iba pa na sinasabing bumabatak ng shabu at nakumpiska sa kanila ang

Narekober ng pulisya ang tatlong malalaking pakete ng pinaniniwa­laang shabu, 32 medium pack ng shabu, at 88 na small sachet ng droga na aabot sa 240 gramo at nagkakahal­aga ng P2.8 milyon.

Nakuha rin ng pulisya ang isang .45 caliber pistol, isang KG 9 na may silencer at iba’t ibang mga bala.

Sa isa pang buy -bust operations sa Bgy. Tabunok, Talisay City, aabot din sa P3.9 milyon halaga ng shabu ang nasabat ng pulisya.

Ang mga suspek ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drug Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines