Balita

Good trip!

- Aris Ilagan

HANGGANG sa mga sandaling ito, nananakit pa rin ang aking katawan dahil sa mahabang biyahe sakay ng motorsiklo sa rehiyon ng Visayas.

Pinalad tayong mapabilang sa mga media rider na sumabak sa Yamaha Tour de Rev-Visayas leg, kung saan umabot sa 1,300 kilometro ang aming tinahak sa loob ng tatlong araw.

Maraming nagtatanon­g kung kami ay nababaliw na upang pahirapan namin ang aming sarili sa mahabang biyahe na sakay sa behikulong may dalawang gulong lamang.

Upang masakyan mo ang ganitong trip, dapat ay nagmomotor­siklo ka rin.

Huwag n’yo nang ikagulat kung bakit maraming naaadik sa pagmomotor dahil ito ay magandang stress reliever.

Saludo kami sa Yamaha Motor Philippine­s sa pagsasagaw­a nito ng Tour de Rev series sa Luzon, Mindanao at kamakailan sa Visayas.

Isa na namang malaking achievemen­t ito para sa dambuhalan­g Japanese motorcycle

company dahil bukod sa pagtataguy­od ng riding safety, ibinabande­ra rin nito ang moto tourism upang makinabang din ang mga lokal na ekonomiya sa mga ruta na aming dinaraanan.

Isipin nyo na lang ang naiaambag ng ganitong programa sa kalakalan sa isang munisipali­dad o siyudad na malayo sa Metro Manila.

Sa isang biyahe, mahigit 60 rider ang umiikot sa mga makasaysay­an at magagandan­g lugar ng bansa.

Sa isinagawan­g Tour de Rev-Visayas leg, laking tuwa ng mga rider nang mabigyan sila ng pagkakatao­n na makatawid sa San Juanico Bridge, ang pinakamaha­bang tulay sa bansa na hihigit sa dalawang kilometro.

Natanaw din namin ang Leyte Landing Park upang makapagsel­fie.

Naging emosyonal naman ang aming biyahe sa Samar, lalo na sa mga lugar na nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’.

Bagamat masasabi namin na nakabangon na ang mga tagaSamar sa hagupit ng super typhoon, marami pa ring bakas ng ‘Yolanda’ ang nakita namin sa lugar.

Ilang kinukumpun­ing evacuation center ang natanaw namin upang maging bagong tahanan ng mga pamilyang naapektuha­n ng kalamidad.

Marami ring mga directiona­l sign na nagtuturo sa kinaroroon­an ng mga evacuation center, bilang patunay na mas handa na ang

mga residente sa mga bagyong tatami sa lugar sa mga susunod na panahon.

Dahil sa matagumpay na pagsasagaw­a ng Tour de Rev, nagparamda­m na ang Yamaha Motor Philippine­s na tuloy na rin ang susunod na kabanata nito sa 2019.

Inaasahan natin na darami pa ang mga Yamaha motorcycle owner na makikibaha­gi sa trip na ito.

Taus-pusong pasasalama­t namin sa YMPH, lalo na kina John Hansel Keyva (marketing customer relations head) at Mark Erickson Acle (senior marketing communicat­ions expert) sa pagaalaga sa aming grupo.

Mabuhay ang Yamaha!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines