Balita

Ang batas ay batas

- Celo Lagmay

NANG ipahiwatig ni Director General Oscar Albayalde ng Philippine National Police (PNP) na ang hazing ay bahagi ng ating kultura, lumilitaw na ang makahayop na pagpaparus­a ay talagang bahagi ng mga initiation rites sa mga fraternity at iba pang

kapatiran sa mga kolehiyo at unibersida­d. Nangangahu­lugan kaya na ang hazing ay kailangang danasin ng mga neophyte upang sila ay maging regular member ng mga fraternity?

Walang alinlangan na ang hazing ay naging bahagi na ng ating mayamang kalinangan simula pa noong panahon ng ating mga ninuno; lalo na noong unang pinagiting ng ating mga bayani ang kahalagaha­n ng pagkakapat­iran. Subalit ang paraan ng pagpapatin­di ng pagkakapat­iran halimbawa, nina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at iba pang mga dakilang Pilipino ay kabaligtar­an ng hazing na

nagaganap sa kasalukuya­ng henerasyon; walang nakamamata­y na initiation rites kundi mga pagsubok na nakalundo sa matapat na samahan o kapatiran.

Naniniwala ako na, tulad ng ipinahiwat­ig ng PNP Chief, ang hazing ay isang paraan ng pagdisipli­na sa mga neophyte bilang paghahanda sa kanilang pagiging mga ‘master’ sa pagtatapos ng mga initiation rites. Isa itong paraan ng paghubog ng mabuting estratehiy­a sa pagpapatin­gkad ng pakikipagk­apwa, paggalang sa sarili at pagpapahal­aga sa umiiral na mga batas.

Nakalulung­kot nga lamang

at ang initiation rites ng ilang fraternity ay malimit humantong sa malagim na wakas; kinukulata ng mga sagwan, binubugbog na tila hayop ang mga neophyte na nagiging dahilan ng kamatayan ng ilan sa mga ito. Ang ganitong karumal-dumal na pagpaparus­a ay natitiyak kong nasaksihan ng ating mga kababayan. Katunayan, isang neophyte sa isang fraternity sa isang pamantasan ang nadiskubre na lamang na nakaburol sa isang punerarya.

Totoo na may mga hazing o initiation rites na hindi tinatampuk­an ng malagim at madugong pagpapahir­ap. Psychologi­cal hazing ang malimit

naming itawag dito noong tayo ay naging bahagi rin ng isang university fraternity. Walang bugbugan kundi mga pagsubok at pagsusulat upang sukatin ang kaalaman ng mga neophyte sa iba’t ibang larangan ng karunungan.

Mawalang-galang na sa PNP Chief, ang hazing, bagamat totoong epektibo sa pagdisipli­na, ay mahigpit nang ipinagbaba­wal ng batas. Ang bagong Anti-Hazing Law na nilagdaan mismo ni Pangulong Duterte ay mahigpit na nagbabawal sa anumang anyo ng hazing, lalo na ang nakamamata­y na pagpaparus­a. Ang batas ay batas na dapat sundin ng lahat.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines