Balita

Demi, masayang nakauwi para makaboto

-

IBINAHAGI ni Demi Lovato, ang 26 taong gulang na Tell Me You Love Me singer, ang kanyang unang photo sa Instagram simula nang lumabas sa rehab, ilang araw na ang nakalipas. Sa kanyang larawan na ipinost nitong Martes, makikita na nakangiti si Demi, nakasuot ng jean jacket at black jeans at bumoboto sa eleksiyon, ayon sa Entertainm­ent Tonight.

“I am so grateful to be home in time to vote!” caption ni Demi sa kanyang post. “One vote can make a difference, so make sure your voice is heard! now go out and #VOTE !!!! ” Ang Instagram pic ang kanyang unang pakikisala­muha sa publiko mula nang magsalita noong Agosto tungkol naman sa kanyang pagkakaosp­ital.

Napag-alaman ng ET nitong Lunes na patuloy ang pagsailali­m ni Demi sa gamutan, mula nang ‘ma-overdose’ sa kanyang bahay sa Los Angeles noong Hulyo.

“Demi is happy and healthy has done a complete 180 since she overdosed. Her 90 days in rehab have truly turned her life around,” lahad ng insider. “She wants to remain out of rehab. She has a sober coach and a complete support system.”

Dagdag pa ng source, ang pagnanais ng singer na panatilihi­n ang kanyang sobriety ang nagtutulak para pag-isipan niya ang kanyang pang-araw-araw na gawain.

“Demi has struggled for so long with addiction and her friends and family couldn’t be more proud of her work,” sabi pa ng insider. “This process has been incredibly beneficial to Demi in so many ways. She is not only clean and sober but she has an entirely new lifestyle.”

 ??  ?? Demi
Demi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines