Balita

DLSU jins, kampeon sa UAAP 81

-

NABAWI ng De La Salle ang overall championsh­ip sa taekwondo competitio­n – salamat sa dominanten­g kampanya ni Rinna Babanto – para sa ikalawang titulo sa nakalipas na tatlong season nitong Martes saUAAP Season 81 poomsae tournament sa Blue Eagle Gym.

Tinapos ni Babanto ang collegiate career sa impresibon­g panalo sa individual female at mixed pair events, sapat para pangunahan ang Green Jin sa dominanten­g resulta.

Nakamit ni Babanto, dating world champion, ang iskor na 8.180 para higitan ang kapwa Asian Games bronze medalists na si Nikki Oliva ng niversity of the Philippine­s (8.100) at Juvenile Faye Crisostomo ng Far Eastern University (7.900).

Nakipagtam­balan siya kay Patrick Perez para sa gintong medalya sa mixed pair na may 8.235 iskor, kontra kina University of Santo Tomas’ Jerel Dalida at Cyrinne Abenir (8.200) at UP’s Jayboy Buenavista at Pat Jubelag (8.015).

Nakumpleto ng De La Salle ang double victory sa individual events sa panalo ni Perez (8.305) laban kina UST’s Adrian Ang (8.150) at National U Kier Macalino (8.035).

Magtatapos ng kanyang career si Babanto tangan ang kasaysayan bilang unang poomsae MVP, habang si Perez ang Rookie of the Year.

“Oh my God, hindi ko po ini-expect. Sobra,” pahayag ni Babanto, pambato ng Cebu.

“He is very passionate and hardworkin­g person I know. Sobrang gustong-gusto niya na magkapag-contribute sa team. I believe in him 100 percent in the next competitio­n. I expect more medals,” sambit ni Babanto patungkol sa tikas na performanc­e ni Perez.

Nakamit naman ng G sa overall matapos magwagi sa male team eventy, habang pangatlo ang Fighting Maroons.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines