Balita

TACS Expo para sa Pinoy

-

BUNSOD ng matagumpay na kaganapan sa 1st Tacticalan­dSurvival Expo sa nakalipas na taon, muling isusulong ang mas komprehens­ibong TACS EXPO 2018 tangan ang bagong linya -- Tactical, Survival, and Arms Expo.

Layuning maisulong ang mga programa na nakatuon sa kabuhayan ng industriya, gayundin ang maabatan ang mga banta sa seguridad ng bansa laban sa mga terorista, isusulong ang EXPO na may temang “Defense, Security, and Survival Show for Sustainabl­e Living,” the expo aims to address global issues on environmen­t, economic uncertaint­y, security threats, and the like.

“It is high time that a unique show such as this will be held in the country. TACS Expo, which focuses on involvemen­t of various manufactur­ers and their representa­tives, will be an avenue to reach out to everyone and create awareness on how to prepare to emergency and life threatenin­g situations. And of course… Admission to the expo is FREE with online or on-site registrati­on,” pahayag ni Mr. Severo “Conkoy” Tuason, ARMSCOR’s Chairman of the Board.

Nakatakda ang opening ceremonies ganap na 10:30 ng umaga ngayon (Nobyembre 8) sa SMX Convention Center, 3rd Level, SM Aura Premier, Bonifacio Global City. Tatagal ang EXPO hanggang Nov. 11.

Matutungha­yan sa TACS Expo ang mga iba’t ibang traditiona­l na armas, survival gear, at prepper stuff, gayundin ang mga bala at accessorie­s. May pagkakatao­n din ang mga supplier na mailunsad at maipakilal­a ang kanilang mga produkto at isang tamang lugar para matutunan ang tamang paghawak sa mga armas at paraan para sa legal na pagbili at pagpapalis­ensya ng mga ito.

Sa hindi maabatang krimen sanhi nang iba’t ibang trahedya, gayundin ang pagnanakaw at panlaban sa anumang uri ng krimen sanhi ng mga masasamang elemento tulad ng Akyat-Bahay, napapanaho­n ang TACS Expo para sa kaligtasan ng indibidwal at pamilya.

Para sa karagdagan­g impormasyo­n, makipagugn­ayan kay Richard Ramos sa mobile no. 0936-992-2275.

 ??  ?? TUASON: TACS Expo patuloy na inilalarga.
TUASON: TACS Expo patuloy na inilalarga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines