Balita

SAGAY MASSACRE LAWYER, TINODAS

- Nina MARTIN A. SADONGDONG at FER TABOY

Patay ang isang human rights lawyer, na kabilang sa mga tumutulong sa paglutas sa massacre sa mga sakada sa Sagay, Negros Occidental, nang barilin ito ng riding-in-tandem sa Kabankalan City, Negros Occidental, nitong Martes ng gabi.

Sa report ng Kabankalan City Police, ang biktima ay kinilalang si Atty. Benjamin Ramos, 56, secretary general ng National Union of People’s Lawyer (NUPL) sa Negros Occidental.

Nangyari ang pananamban­g sa Rojas Street sa Barangay 5, dakong 10:20 ng gabi.

Sa police report, nakatayo at naninigari­lyo ang biktima sa harap ng isang tindahan sa Rojas St., Bgy. 5, hindi kalayuan sa kanyang bahay nang lapitan siya ng dalawang lalaking nakamotors­iklo at pinagbabar­il.

Sa salaysay ng misis niyang si Clarissa, katatapos lang gawin ng abogado ang legal papers ng isa sa mga kliyente nitong nang magpasya itong manigarily­o sa labas.

Makalipas, aniya, ang ilang minuto ay nakarinig na lamang ito ng sunud-sunod na putok ng baril.

Kaagad na isinugod si Ramos sa Holy Mary Mother of Mercy Hospital ngunit dead-on-arrival na ito, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Natuklasan na si Ramos ay abogado ng human rights group na Karapatan, at tumatayong legal counsel ng tinagurian­g “Mabinay 6”, na naaresto matapos umano silang mahulihan ng mga pampasabog at apat na M-16 Armalite rifle sa Mabinay, Negros Oriental, noong Marso 2018.

Sa naging pahayag ng NUPL, kasama rin si Ramos sa nagsagawa ng fact-finding mission upang maresolba ang kaso ng pagpatay sa siyam na sakada sa isang plantasyon ng tubo sa Sagay, nitong Oktubre 20.

"We are shocked, devastated and enraged at the pre-meditated coldbloode­d murder of our colleague and fellow people's lawyer, Atty. Benjamin Tarug Ramos, our secretary general for the NUPL-Negros Occidental Chapter," ayon kay Edre Olalia, pangulo ng NUPL.

Sa pahayag naman ng League of Filipino Students (LFS), sinabi nilang abogado ng bayan si Ramos at patuloy na nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga political prisoners at aktibista na inaresto ng pamahalaan.

Abril ngayong taon nang pinaratang­an si Ramos ng militar na kabilang umano sa nakikipag-alyansa sa Communist Party of the Philippine­sNew People's Army (CPP-NPA) laban sa pamahalaan.

Si Ramos ang ika-34 na abogadong napaslang sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines