Balita

Paolo, ibinandera ang bagong BF

- Nitz Miralles

INLOVE na naman si Paolo Ballestero­s at nagngangal­ang Kenneth Gabriel

Concepcion ang boyfriend nito ngayon. Naunang mag-post si Kenneth ng picture nila ni Paolo sa Facebook at nitong isang araw nga ay ipinost na ni Paolo ang picture nila ng BF niya sa Instagram (IG), na kinunan habang kumakain sila.

Base sa profile ni Kenneth FB, isa siyang nurse/agent sales/lover/righteous. Ang tanong ng karamihan, saan sila nagkakilal­a ni Paolo at bakit na-in love si Paolo sa kanya? Gusto ring malaman ng supporters ni Paolo kung kailan nagsimula ang relasyon nila ni Kenneth.

‘Katawa sa Eat Bulaga dahil tinutukso ng Dabarkads si Paolo at tinatanong kung ano ang theme song nila? Sumagot si Paolo ng “wala pa,” ibig sabihin, wala pa silang theme song dahil bago pa nga lang ang kanilang relasyon.

Kung may mga masaya para kay Paolo dahil may bago siyang boyfriend, may mga nagalala naman para rito na baka umiyak lang ulit at iwanan, gaya ng mga nauna niyang minahal.

May isa ngang nagtanong na bakit daw nito ipino-post ang larawan ng bago niyang BF. May anak daw si Paolo at dapat niyang ingatan ang image niya para hindi matukso ang anak niya. Mabuti pa raw ang ina ng anak ni Paolo, hindi nagpo-post ng picture kung may dyowa man.

O, di ba, ang daming concern sa love life ni Paolo at sana nga, magtagal ang kanilang relasyon para maging masaya na talaga si Paolo.

 ??  ?? Paolo at Kenneth
Paolo at Kenneth

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines