Balita

Idris Elba, ‘sexiest man alive’ ng People mag

-

ANG aktor na si Idris Elba, na isinusulon­g ng mga James Bond fans na sunod na personalid­ad na gaganap bilang si 007, ang kinilalang sexiest man alive ng People magazine nitong Lunes.

Ayon sa London-born actor, 46, hindi raw siya makapaniwa­la nang ipaalam ito ng magazine sa kanya.

“I was like, ‘Come on, no way. Really?’” sabi ni Idris sa celebrity publicatio­n. “Looked in the mirror, I checked myself out. I was like, ‘Yeah, you are kind of sexy today.’ But to be honest, it was just a nice feeling. It was a nice surprise — an ego boost for sure.”

Isa sa kilalang bituin sa Britain, nagwagi na si Idris ng Golden Globe para sa pagganap niya sa lead role ng BBC television detective series na Luther, gumanap ding Norse god sa Thor at lumabas sa U.S. television series na The Wire.

Ang iba pang mga aktor at singer na nabigyan ng kaparehong titulo sa mga nakalipas na taon ay sina Blake Shelton, Chris Hemsworth,

Adam Levine, George Clooney at Channing Tatum.

Ang dalawa pang non-white men na napabilang sa kanila ay ang African-American star Denzel Washington noong 1996 at si Dwayne “The Rock” Johnson, na ina ay Samoan at ama ay black Canadian, noong 2016 – mula nang simulan ng People ang feature noong 1985. Isinusulon­g ng fans na si Idris, anak ng African immigrants sa Britain, na sumunod kay Daniel Craig bilang si secret agent James Bond sa lucrative movie franchise sa susunod na Bond film, na ilalabas sa 2020. Nagparinig na si Idris noong Agosto na maaaring siya ang maging unang black actor na gaganap bilang Bond nang mag-post siya ng cryptic message sa Twitter gamit ang isa sa mga best-known lines ng karakter - “My name’s Elba, Idris Elba.” Ilang araw makalipas ang post ay itinanggi niya ito.

 ??  ??
 ??  ?? Idris
Idris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines