Balita

Ika-83 labas

- R.V. VILLANUEVA

NAGKAHAMUN­AN sina Fermin at Ferminomio. Bumukas ang pinto ng bahay at lumabas si Ferminnomi­o.

Sabi ni Nenamia: “Umalis ka na Fermin. Wala kang laban sa kanya. Hindi karaniwang kalaban.”

Hindi pinakingga­n ni Fermin ang paalala ni Nenamia.

“Halika, tanda,” sabi ni Fermin. “Nakahansa ako.”

“Hindi ako nagkulang ng paalala sa ‘yo, mayabang na lalaki,”sabi ni Tanda. “Narito na ako.”

Lumabas ng gate si Fermin. Kung maglalaban sila, mas mainam na sa labas ng bakuran.

Kitang-kita ni Fermin, nails ni Tanda ang hawak na baston. Tumakbong mabilis patungo sa gawi niya na ni hindi binuksan ang gate na bakal. Sa daang tao lang siya dumaan palaba) Nakasara ang gate hindi naman kataasan. Bigla, binangga ang nakasarang gate. BLAAAGGG!

Yumanig ang pinto na muntik nang mawasak. At hindi lang pinto at kabuuan ng bakod na bakal din kundi ang mismong lupang kinatatapa­kan ni Fermmin. Paramh lumindol!

Kaalinsaba­y ng bangga at bundol na nagpayanig yata sa lahat ng bagay sa paligid, may atungal ng kung anong dambuhalan­g hayop.

Napaurong ng ilang hakbang si Fermin. Hindi maaaring hindi siya mapaurong. Bigla naglaho si Tanda. Ang naroon ay isang dambuhalan­g aso na ang dalawang pang-unahang paa ay nakasampa sa ibabaw mismo ng gate. Kahit na lagpas-tao lang ang gate, maiisip na kung gaano kalaki ang asong may-ari ng mga paa. GGRRRRR! GRAWLLLL! BOWOWW!

Pinipilit ng dambuhalan­g aso na makaigpaw sa ibabaw ng gate. Salamat na lang may karagdagan­g taas ang gate ng mga matutulis na bakal. Walang nagawa si Fermin kundi ang tumakbo sa kanyang dyip para makatakas. Sa tingin niya, pag nagpilit ang dambuhalan­g aso, makakaigpa­w sa ibabaw ng gate. Isang kahibangan ang humarap sa tiyak na kamatayan!

Itinodo niya ang tulin ng kanyang dyip.

Hindi lubos maisip ni Fermin ang pangyayari. Saan galing ang dambuhalan­g aso? Saan napunta ang matandang lalaki? Naging aso ba si Ferminomio?

Tiyak ni Fermin sa kanyang sarili, hindi mga karaniwang tao ang nasa bahay na iyon. Kung maniniwala maniniwala siya kay Nena, ang mga taong nagiging mabagsik na hayop ay mga aswang. Lumalabas na sina Ferminomio at Nenamia ay mag-asawang asuwang! Ngee!

Pero may tutol pa rin siyang nararamdam­an sa kanyang dibdib. Hindi puwedeng maging asuwang si Nenamia. A, kayganda ni Nenamia para maging asuwang! Asuwang man siya o hindi, kailngan niyang matikman man lamang ang kagandahan ng babaeng ‘yon!

Nang makarating siya sa kanila, naging maingat siya sa pagbubukas ng kanilang gate. Nang makapasok ang kanyang sasakyan, natagpuan niyang naghihinta­y na ang kanyang asawa.

“Saan ka ba inabutan ng ulan?” tanong ni Nena. “Ang lakas, a. Nakita mo ba ang daan?”

Kung ganoon, walang malay si Nena sa talagang nangyari. Hindi nito nakita ang pagdating niya kanina bago niya hinatak ang sasakyan ni Nenamia.

Hindi nakatulog si Fermin. Hindi niya makalimuta­n ang mahiwagang babaeng iyon. Sa kabila ng mga nangyari, hindi yata niya kayang hindi makita muli si Nenamia.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines