Balita

Red Lions, aatungal muli sa NCAA?

-

MGa laro sa Lunes (MOA Arena, Pasay City) 2:00 n.h. -- CSB-LSGH vs Mapua (jrs)

4:00 n.h. -- San Beda vs LPU (srs)

DOBLE ang ‘black-eye’ na natamo ng Lyceum of the Philippine­s.

Matapos masuspinde ang top player ng Pirates na si CJ Perez, sinamantal­a ng San Beda Red Lions ang kahinaan ng karibal para maitarak ang 73-60 panalo sa Game 1 ng kanilang best-of-three title series nitong Martes sa MOA Arena sa Pasay City.

Kung mananatili­ng mababa ang morale ng Pirates, walang kawala sa Lions ang pagngata sa ikalawang sunod na kampeonato laban sa mahigpit na karibal sa nakalipas na dalawang season.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng San Beda para makolekta ang ika-22 titulo sa men’s basketball.

Nadomina ng Lions ang tempo ng laro, sapat para maitarak ang pinakamala­king bentahe sa 66-39. Nakakikig ng bahagya ang Pirates sa final period, subalit huli na ang lahat para sa Intramuros-based cagers.

Tangan ang 1-0 bentahe, magagawang tapusin ng Red Lions ang serye sa Game Two sa Lunes para sa ika-11 titulo sa huling 13 season sa pinakamata­ndang collegiate league sa bansa at ika22 sa kabuuan para tanghaling winningest team sa kasaysayan ng liga.

Sakaling makahirit ang Pirates, nakatakda ang Game 3 sa Nobyembre 16.

Sumabak ang Pirates sa krusyal na laban na wala ang leading scorer na si CJ Perez matapos suspindihi­n ng NCAA Management Committee bunsod nang pagsama sa PBA Rookie drafting nang walang pormal na paalam sa pamunuan ng liga na batay sa regulasyon ng samahan.

Tangan ni Perez, MVP sa nakalipa sna season, ang averaged 18.7 puntos, 8.4 rebounds, apat na assists at 3.3 steals.

“They lost their No. 1 player. It’s a different LPU team with him (Perez),” pag-aamin ni San Beda coach Boyet Fernandez. “But we still won by only 13 points and CJ averaged 18 points a game.”

Sa juniors’ division, hataw ang St. Benilde-La Salle Greenhills, sa pangunguna ni Joel Cagulangan, para pabagsakin ang Mapua, 74-69.

Kumubra si Cagulangan, tatanghali­ng MVP sa awards ceremony sa Lunes, sa natipang 16 puntos.

Iskor:

San Beda 73 – Mocon 14, Bolick 12, Doliguez 11, Tankoua 10, Cabanag 8, Canlas 6, Oftana 4, Presbitero 3, Nelle 3, Cuntapay 2, Soberano 0, Abuda 0, Eugene 0, Tongco 0, Carino 0

LPU 60 – Nzeusseu 16, Marcelino JC 13, Marcelino JV 13, Ayaay 9, Caduyac 5, Valdez 2, Yong 2, Ibanez 0, Pretta 0, Santos 0, Tansingco 0, Serrano 0, Lumbao 0

Quartersco­res: 19-9; 43-22;

59-39; 73-60

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines