Tony at Angel, bagong pantasya

Balita - - Pangunahing pahina - Ni REGGEE BONOAN

NANG dumalo kami sa blogcon para sa digital film na Glorious nitong Huwebes ng gabi ay umabot na sa kulang 13 milyon ang views sa mapangahas na trailer ng pelikula nina Angel Aquino

at Tony Labrusca,

na idinirek ni Concepcion (Connie) Macatuno, handog ng Dreamscape Entertainment, na mapapanood na sa Nobyembre 17 sa IWant.

Wala pang isang linggong in-upload ang trailer ng Glorious

ay naging viral na kaagad ito at topic sa lahat ng showbiz events na dinaluhan namin nitong mga nakaraang araw.

Kasi naman napanood ang Crush ng Bayan na si Angel habang nakikipaglaplapan kay Tony, kaya iisa ang sabi ng lahat, ang suwerte ng aktor sa aktres, dahil pumayag ang huli sa maseselang eksena.

Pero sa totoo lang, hindi naman din halatang malaki ang agwat ni Angel kay Tony, dahil ang ganda pa rin ng katawan ng aktres sa edad niyang 45 sa totoong buhay. Twenty two years ang tanda niya sa aktor, na 23 years old naman ngayon.

May eksenang sinabi si Tony kay Angel: “Buti nakatiis ka nang pitong taon (walang sex)”. Sinagot ito ng aktres: “Maybe naghintay ng tamang tao”, na bentang-benta sa lahat. Pati ang cake scene na habang kumakain sila ay isinubo ng binata ang kamay ng aktres, sabay sabing “ang sarap”.

Anyway, natanong si Tony kung gaano ka-importante sa isang relasyon ang sexual compatibility.

“I believe sex is important in a relationship. I honestly do. I think it’s important to respect one another,” sabi ni Tony. “But if you look at it kasi, a lot of marriages and relationships fail, one main problem is that they don’t have a good sex life. So, I think that’s God’s gift to a couple.” Walang karelasyon o idine-date ngayon si Tony, dahil mas prioridad niya ang career para makapag-ipon at makabili muna ng bahay para sa kanilang mag-iina.

Nasubukan naman daw niyang magmahal,

Magkakaroon ng celebrity screening ang Glorious sa Santolan Town Plaza sa Nobyembre 15, bago ito mapanood sa IWant sa Nobyembre 17.

Tony at Angel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.