Balita

10 sa Budol-Budol, timbog

- Ni BELLA GAMOTEA

Napasakama­y ng Makati City Police ang 10 katao na umano’y miyembro ng “Budol-Budol” gang matapos na biktimahin ang isang senior citizen sa isang mall sa lungsod, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Angelita Ditos y Nato, 52, ng No. 33 Malibong 2 Matanda, Pandi Bulacan; Mabelle Lopez y Serrano, 42, ng No. 8 Virra Ville Subd Las Piñas City; Elenita Alba y Borlas, 58, ng No. 2372 Pulang Lupa Las Piñas City; Analyn Perez y Tianung, 43, ng San Nicolas 2 Bacoor Cavite; Marie Cablo y Llamares, 37, ng Block 7 Lot 27, Phase 2, Armstrong Village Paliparan Dasma Village; Linda Marquez y Pascual, 44, ng Binakayan Bacoor Cavite; Adelmo Ranas y Sanchez, 58, ng Salinas Bacoor Cavite; Ramon Bertuldo y Lansang, 51, ng 9 Area G Barangay St. Peter Dasma Cavite; Jerry Apao y Atis, 59, No. 473 Saging Street Las Piñas City; at Edgar Yabut y Cruz, 60, ng 1231 Sto Niño St., Tondo Maynila.

Biniktima umano nila si Puratoryo Catalina, 70, ng Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat, naganap ang insidente sa Plaza Drive, Powerplant Malo, Rockwell, Poblacion, sa Makati City, banda 12:30 ng hapon.

Niloko umano ng mga suspek ang biktima kaya ipinagkati­wala ni Catalina ang kanyang cash at iba pang mahahalaga­ng gamit sa mga ito, na napansin ng mga guwardiya ng mall kaya mabilis na tumawag sa Police Community Precinct (PCP) 6 at inaresto ang mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang P250,000, boodle pad money, isang balisong, dolyar, mga alahas, pitong cell phone, mga barya, mga shoulder bag, mga wallet, isang Isuzu Trooper (XBP109), at Toyota Revo (WLH 369).

Iniimbesti­gahan ang mga suspek at nakatakdan­g sampahan ng kaukulang kaso sa Muntinlupa Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines