Balita

Ihahalal na senador, 12 pa rin

- Leslie Ann G. Aquino at Leonel M. Abasola

Labindalaw­a pa rin ang mga senatorial candidate na ihahalal sa Mayo 13, 2019.

Ito ay sa kabila ng napipinton­g pagbibitiw ni Senator Gringo Honasan, matapos tanggapin ng senador ang alok sa kanya ni Pangulong Duterte na pamunuan ang Department of Informatio­n and Communicat­ion Technology (DICT).

Paliwanag naman ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal, hindi pa rin nagbabago ang bilang ng mga ibobotong senador dahil sa susunod na taon pa matatapos ang termino ni Honasan.

“The terms of Cayetano and Honasan are expiring by 2019,” ani Macalintal.

Si Honasan ang ikalawang incumbent senator na aalis sa Senado at sasali sa Gabinete ng administra­syon. Nauna nang naging miyembro ng Gabinete si dating Senator Peter Cayetano, nang italaga siya ng pangulo bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nilinaw naman ni Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez na magkakaroo­n lang ng special elections kapag idineklara ng Senate President na mababakant­e ang isang posisyon.

Sinabi naman ni Senator Panfilo Lacson na bagamat malaking kawalan ang kanyang “mistah” sa Senado, lalo pa kung quorum sa mga pagdinig ang pag-uusapan, higit namang kailangan sa DICT ang serbisyo nito.

Gayunman, sinabi ni Lacson na kakailanga­nin na ngayon ni Honasan na idispatsa ang “analogue” nitong cell phone.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines