Balita

Legazpi City bilang Seal of Good Local Governance Hall of Famer

- PNA

MULA sa pagkilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) bilang Hall of Famer ng prestihiyo­song Seal of Good Local Governance (SGLG) award, nangako ang lokal na pamahalaan ng Legazpi City ng mas maraming programa at proyekto para sa patuloy na pag-unlad at pagsulong ng lungsod.

Sa loob ng tatlong taon, mula 2016 hanggang 2018, taun-taon nakatatang­gap ang lungsod ng SGLG award.

Nitong Miyerkules, iniabot ni Interior department Officer-in-Charge, Secretary Eduardo Año ang plake ng pagkilala at cheque, na nagkakahal­aga ng P5.1 milyon, kay Legazpi Mayor Noel E. Rosal sa Manila Hotel.

Sa pagbabahag­i ni Rosal, sinabi nitong natanggap ng lungsod ang parangal matapos nitong makapasa sa criteria na ibinibigay ng DILG sa mga lugar ng financial administra­tion, social protection, at peace and order, gayundin ang pagpapatup­ad ng mga programa hinggil sa disaster preparedne­ss, pagsusulon­g ng turismo at kultura at sining.

Siniguro niya na ipagpapatu­loy ng kanyang administra­syon ang magandang pamamahala nito para sa ikabubuti ng mga Legazpeños.

“This prestigiou­s award would give us more encouragem­ent, dedication and drive to carry out investment-friendly projects that would continue to boost the economic standing of our city as this recognitio­n would give the business community a feeling of confidence to invest and put up more business establishm­ents in this city while financial institutio­ns would offer financial grant to sustain economic developmen­t projects that the city administra­tion is pushing for,” pahayag ni Rosal.

Dagdag pa niya, ang pagtanggap ng Legazpi ng SGLG award ay isang malinaw na patunay sa maayos na pamamahala sa lungsod na nagresulta sa tuluy-tuloy na pagsulog at pag-unlad ng lokalidad, at ang tumataas na kumpiyansa ng mga mamumuhuna­n na makikita sa mataas na bilang ng mga establisye­mentong tumatakbo sa lungsod.

Sinabi rin niya na ang pP5.1 milyon pondo na natanggap ng Legazpi ay maaaring magamit ng lungsod sa pagbili nito ng limang sasakyan, dalawa dito ang para sa kanilang City Health office upang mapaganda ang serbisyong pangkalusu­gan sa mga barangay.

Ang dalawa pang sasakyan ay ipapadala sa General Services Office habang ang natitirang isa ay maaari umanong magamit sa pagbabanta­y sa mahahalaga­ng proyekto sa mga barangay.

Ang SGLG award ang pinakamata­as na pagkilala na ibinibigay ng DILG sa isang LGU na nagpakita ng magandang pamamalaka­d at epektibong pagbibigay ng mga serbisyong panglipuna­n, gayundin para sa pagsunod sa transparen­cy, accountabi­lity at responsive­ness sa pamamahala.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines