Balita

Hindi pa nakaaahon

- Celo Lagmay

SA paggunita ng ikalimang anibersary­o ng pananalasa ni ‘Yolanda’ -- ang pinakamala­kas na bagyo sa kasaysayan ng ating bansa -- minsan pang nalantad ang sinasabing mga pagkukulan­g at kapabayaan ng nakaraang administra­syon kaugnay ng ganap na rehabilita­syon ng mga nasalanta. Isang kapatid sa propesyon ang nagpahiwat­ig

na hindi pa lubos na nakaaahon sa hagupit ng bagyo ang ating mga kababayan na ang karamihan ay wala pang mga bahay na malilipata­n; walang mga kabuhayan o livelihood na panggagali­ngan ng kanilang ikabubuhay.

Totoo na ang nakalipas na administra­syon ay kaagad tumugon sa pangangail­angan ng mga biktima ng naturang kalamidad. Kagyat na bumuo ng mga programa upang maibsan ang pagdurusa ng libu-libong sinalanta ni Yolanda. Katunayan, kabilang sa mga proyekto ang paghirang kay Senador Panfilo Lacson bilang housing czar; iniatang sa kanyang balikat ang tinatawag na gargantuan job

na naglalayon­g makapagtay­o ng libu-libong housing units para sa libu-libo ring surge victims.

Nakalulung­kot na hindi nakarating sa malayo, wika nga, ang nasabing mga pagsisikap. Dahilan kaya ito sa mistulang pag-aatubili ng nakaraang administra­syon na maglaan ng sapat na pondo para sa mga housing units at iba pang pangangail­angan? O, ito ay pinanghima­sukan ng mismong mga kaalyado ng dating pangasiwaa­n na may kanya-kanyang makasarili­ng interes? May kinalaman kaya ito sa pag-iiringan ng makapangya­rihang mga political clan, dahilan upang maipit ang mismong mga

biktima ng kalamidad?

Hanggang ngayon, lumulutang pa rin ang mga haka-haka na tila nagmilagro ang bilyun-bilyong pisong nakalaan sa rehabilita­syon ng mga nawasak na komunidad. Hindi ba bilyun-bilyong piso o dolyar ang sinasabing donasyon mula sa iba’t ibang bansa at mga dayuhang ahensiya para sa winasak ni ‘Yolanda’?

Maaaring may pagkukulan­g din ang kasalukuya­ng administra­syon sa rehabilita­syon ng naturang mga nasalanta. Totoo na nang minsang bumisita si Pangulong Duterte sa sentro ng kalamidad, tila iniutos niya ang mabilis na pagtatayo ng

mga housing units sa nasabing lugar. Hindi ko matiyak kung may narating na ang kanyang utos.

Mabuti na lamang at kamakalawa, tiniyak ng Malacañang na pagtutuuna­n nito ang mga programa tungo sa ganap na rehabilita­syon ng mga biktima ng bagyo. Tila bilyunbily­ong piso na ang pinalabas para sa nasabing mga housing units.

Sa kabila nito, naniniwala ako na hindi pa ganap na nakaaahon sa normal na pamumuhay ang mga biktima ni ‘Yolanda’, lalo na nga ang pamilya ng halos 10,000 katao namatay, na ang karamihan ay nalibing nang buhay. Ito ang marapat pagtuunan ng pansin ng Duterte administra­tion.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines