Balita

GMA-7, number one pa rin

- Ni DINDO M. BALARES

MULA sa survey data ng Nielsen TV Audience Measuremen­t, patuloy ang pangunguna sa nationwide TV ratings game ng GMA-7 nitong nakaraang Oktubre.

Umabot sa 41.1 percent average total day people audience share ang nakuha ng Siyete sa NUTAM (National Urban Television Audience Measuremen­t) sa buong Oktubre (batay sa overnight data ang Oct. 28-31), samantalan­g 37.2 percent naman ang naitala ng ABS-CBN.

Simula sa umaga hanggang evening block, mas marami pa rin ang nanonood sa GMA Network sa pangunguna ng

Kapuso Pumangalaw­a Mo, Jessica Soho. sa listahan ng top programs ang bagong Daddy’s Gurl nina Vic Sotto at Maine Mendoza, pangatlo ang Pepito Manaloto, at kasunod naman ang 24 Oras, Studio 7, Onanay, Daig Kayo ng Lola Ko, Magpakaila­nman, Victor Magtanggol, at Amazing Earrth.

Kasama rin sa listahan ang Inday Will Always Love You, 24 Oras Weekend, Wowowin, Pamilya Roces, Eat Bulaga, Imbestigad­or, at Asawa Ko Karibal Ko.

Patuloy ang pamamayagp­ag ng Kapuso Network sa viewer-rich areas ng Urban Luzon at Mega Mani

na bumubuo sa 72 at 59 percent ng kabuuang urban TV viewers sa bansa.

Nagtala ang GMA ng 46.9 percent average total day people audience sa Urban Luzon versus 30.9 percent ng ABS-CBN. Sa Mega Manila (base sa official data mula October 1-27), nakakuha ng 49.1 percent average total day people audience share ang Siyete kontra sa 28.1 percent ng ABS-CBN.

Sa listahan ng top 30 shows sa Urban Luzon ay 22 spots ang nagmula sa GMA samantalan­g 24 spots naman sa Mega Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines