Balita

Gender reveal ng baby ni Marian, ngayong November

- Nora V. Calderon

EFFECTIVE endorser si Kapuso Primetime Queen Marian

Rivera, kaya naman kahit preggy na siya ng almost five months ay sunud-sunod pa rin ang dating ng blessings sa kanya sa pamamagita­n ng endorsemen­ts. Last Thursday ay nag-renew siya ng contract sa Nailandia Studio and Body Spa, para sa ikaapat na pagkakatao­n.

“Thankful ako sa Nailandia na hindi nila ako nakakalimu­tan kahit buntis ako,” nakangitin­g pahayag ni Marian. “Kaya naman natutuwa ako na sinasabi nilang lucky charm daw nila ako dahil from 33 now ay 114 na ang branches nila at after this presscon, mag-o-open pa sila ng dalawa pang new branches. Kaya kahit ako, gusto ko na ring mag-franchise, kaya lamang ay wala pa akong makuhang magandang puwesto na malapit sa bahay namin sa Makati, pero siguro soon, may makukuha rin ako.”

Inihayag din ng may-ari ng Nailandia na may mga inquiries na sila from abroad at may kausap na sila from New Jersey, USA, Dubai, at Singapore.

Natanong na rin si Marian kung ano raw ba ang magiging second baby nila ni Dingdong Dantes?

“Malalaman n’yo rin kasi sa November 20 na ang check-up ko at magkakaroo­n muli kami ni Dong ng gender reveal. Sabi nila boy may nagsasabi naman girl, pero kung ano ang ibigay ni Lord, magpapasal­amat kami.

“Basta ang gusto ko after nito, kahit isa pa, hahaha! Hindi pa lumalabas nagre-request na ulit kay Lord. Gusto kasi namin talaga ni Dong maraming anak, kaya basta kaya ko, sige lang!”

Kung noon kay Zia, gusto niya lahat ng chocolate o candy na white, matatamis, ngayon naman maaasim at maaalat na prutas ang gusto niya.

“Ang una kong hiningi kay Dong, kamias na isasawsaw sa asin. Mabuti na lamang iyong

kapitbahay namin, may puno ng kamias kaya pumitas lamang si Dong doon. Tapos gusto ko rin ang manggang hilaw na isasawsaw sa bagoong. Basta maasim at maalat na pagkain gusto ko.

“Kay Zia, hindi ako masyadong nagkaroon ng morning sickness, up to now meron pa akong morning sickness, at kapag lumalabas kami, nakakaramd­am ako ng hilo kapag matrapik. Dati maarte ako na hindi basta lumalabas ng bahay, ngayon kahit walang makeup lumalabas ako ng bahay.”

Medyo malakas din daw siyang kumain ngayon, kaya kung kay Zia, 2 lbs lamang ang nadagdag sa weight niya, ngayon 4 lbs., kailangan daw niyang i-maintain ang dating weight dahil gusto pa rin niyang normal delivery ang second baby nila.

Thankful din si Marian na naiintindi­han siya ng GMA Network dahil tinanggiha­n niya ang teleserye na dapat niyang gagawin. Naiiba kasi ito at medyo mabigat kaya tumanggi na siyang gawin. After na lamang niyang makapangan­ak at puwede nang magtrabaho saka niya gagawin ang nasabing teleserye.

“Labis po ang pasasalama­t ko dahil magiging dalawa na ang baby namin ni Dong. Lahat po ng hiningi ko kay Lord, ibinigay Niya.”

 ??  ?? Marian
Marian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines