Balita

GUILTY SI MELDY

Marcos hinatulan ng habambuhay sa 7 graft

- Nina CZARINA NICOLE O. ONG at GENALYN D. KABILING

Hinatulang makulong ng 42-77 taon si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte 2nd District Rep. Imelda Marcos matapos na mapatunaya­ng guilty ng Sandiganba­yan Fifth Division dahil sa pagkakaroo­n ng ilang Swiss bank accounts sa panahong presidente pa ng bansa ang kanyang asawang si Ferdinand Marcos.

Wala naman si Marcos o ang kanyang abogado nang ihayag ng anti-graft court ang naging hatol nito sa pitong bilang ng graft laban sa kongresist­a, kahapon ng umaga.

“Wherefore, judgment is hereby rendered finding the accused, Imelda R. Marcos, guilty beyond reasonable doubt for violation of R.A. No. 3019 Section 3(h)... whereby she is sentenced in each case to suffer an indetermin­ate penalty of imprisonme­nt of six years and one month, as minimum, to 11 years, as maximum, with perpetual disqualifi­cation from holding public office,” saad sa ruling ng hukuman.

Kasabay nito, napawalang-sala naman si Marcos, 89, sa tatlong iba pang kasong graft dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya laban sa kanya.

Diniskuwal­ipika rin si Marcos sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno, habang ipinag-utos na ng Sandiganba­yan ang paglalabas ng arrest warrant laban sa kanya.

Dahil sa hindi pagsipot sa promulgati­on ng desisyon, pinagpapal­iwanag ng korte si Marcos sa loob ng 30 araw.

Ang mga kasong graft, na inihain noong 1991, ay nag-ugat sa kanyang “direct and indirect financial or pecuniary interest” sa pangangasi­wa sa ilang non-government organizati­ons na nilikha sa Switzerlan­d simula 1968 hanggang 1984.

Dahil sa naging hatol kay Marcos, inihayag ng Malacañang na umiiral pa rin ang hustisya sa bansa.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo, iginagalan­g ng Palasyo ang desisyon ng anti-graft court.

“While we note that there are still legal remedies available to Congresswo­man Marcos, this latest developmen­t underscore­s that our country currently has a working and impartial justice system that favors no one,” aniya.

 ?? EPA-EFE/FRANCIS R. MALASIG, file ?? SINENTENSI­YAHAN Si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos nang bisitahin ang puntod ng asawang si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City nitong Undas.
EPA-EFE/FRANCIS R. MALASIG, file SINENTENSI­YAHAN Si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos nang bisitahin ang puntod ng asawang si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City nitong Undas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines