Balita

Babaeng nakapatay sa anak ni Ruthie Ann,‘nag-suicide’

-

NATAGPUANG wala nang buhay ang babaeng may-ari at nagmamaneh­o ng kotseng sumalpok sa dalawang batang binawian ng buhay, kabilang ang anak ng Broadway star na si Ruthie Ann Miles.

Binisita ng kaibigan ang biktimang si

Dorothy Bruns, 44, dahil nawalan na ito ng koneksiyon dito at ito ang nakadiskub­re sa walang malay na si Dorothy, lahad ng New York City Police Department sa People.

Nang makarating ang pulisya sa bahay ng biktima ay wala umanong malay si Dorothy at walang kahit na anong senyales ng trauma nang matagpuan sa kuwarto nito. Noon din ay idineklara siyang wala nang buhay ng mga emergency medical responders.

Binawian ng buhay si Dorothy sa kanyang bahay sa Staten Island dahil sa umano’y suicide, pahayag ng ikalawang NYPD spokespers­on sa PEOPLE.

Namatay siya dahil sa overdose, ayon sa pulisya, at may natagpuan ding note sa lugar, “expressing (her) desire to no longer live.”

Noong Marso, nabangga umano ni Dorothy at napatay ang dalawang bata sa Brooklyn: ang anak ni Ruthie Ann, si

Abigail Blumenstei­n, 4; at si Joshua Lew, isang taong gulang. Sugatan din sa insidente si Ruthie Ann, na noon ay pitong buwang buntis, at ang ina ni Joshua, kaibigan ni Ruthie

Ann.

Makalipas ang dalawang buwan, inihayag ni Ben

Rubinowitz, family lawyer ni Ruthie Ann, na nakunan ang Broadway actress. Pinangalan­an nila itong Sophia Rosemary Wong Blumenstei­n. Noong Mayo, kinasuhan ng Brooklyn grand jury si Dorothy ng manslaught­er, criminally negligent homicide and assault, lahad ng prosecutio­n source nang mga oras na iyon.

Inihayag din ng pulisya na nagbayad ng piyansa si Dorothy para sa naturang kaso nitong nakaraang buwan.

Una nang ipinahayag ng pulisya na ayon kay Dorothy, dumanas siya ng seizure kaya nasangkot sa banggaan noong Marso. Ayon sa mga source, patuloy umano ang pagmamaneh­o ni Dorothy kahit red light na, kaya sumalpok sa mga nakaparada­ng sasakyan at nakaladkad ang stroller na kinalalagy­an ng isang taong gulang na si Joshua.

Noon din ay nabigyan na siya ng ticket “driving through red lights”. “Abigail was excited to be a big sister,” lahad ng source sa People noong Marso. “She was the brightest little spirit. Every time you were around her, your heart couldn’t help but shine. She had the sweetest laugh and the loveliest personalit­y. She was very much like her mother.”

“Ruthie was a wonderful mother. She always put Abigail first and was really dedicated to spending time together,” pagtutuloy nito. “The two had a very tight bond. They were inseparabl­e.” Noong Agosto, nagbalik na si Ruthie Ann sa entablado sa unang pagkakatao­n mula nang maganap ang trahedya, sa revival ng The King and I, ang performanc­e na napagwagia­n niya ng Tony Award noong 2015.

“She is singing like an angel and commanding the stage with a heavenly force,” post ng co-star niyang si Kelli O’Hara sa Twitter. “An inspiratio­n to all. I knew you would

 ??  ?? Ruthie Ann
Ruthie Ann

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines