Balita

Ika-85 labas

- R.V. VILLANUEVA

NAGTATALO ang kalooban ni Fermin. Masyado siyang naakit kay Nenamia pero mahal naman niya ang asawa niyang si Nena. Lingid sa kanya, nakatakda pa rin silang magkita ni Nenamia. LUMIPAS ang mga araw. Sa buhay ng mag-asawang Fermin at Nena, masasabing normal ang paglipas ng mga araw. Iyon ay buhat noong gabing ihatd ni Fermin si Nenamia sa kanila at maganap ang pag-aaway ng mag-asawang Ferminomio at Nenamia. (Na naging dambuhalan­g aso si Ferminomio). Kung nagbibiyah­e si Fermin, regular na umuwi siya araw-araw. Si Nena, sa isang banda ay nasanay na yata sa pag-iisa kung umaalis siya.

“Kumusta ka na kung umaalis ako?” sabi ni Fermin. Ibig sana niyang idugtong: Hindi ka ba natatakot/ Pero hindi na lang niya itinanong.

“Okey lang naman,” kaswal na sabi ni Nena. “Nasanay na rin ako. Kung naiinip ako, nanonood na lang ako ng Tv o kung minsan, nakikinig ng radyo. Tumatawag din ako sa mga kaibigan ko... kina Inay.”

“Kung puwede nga lang kitang isama sa biyahe...”

“Mahirap na. Malay natin na may malikot din ang kamay dito. Maubos ang konting gamit natin.”

“P’wede namang ikandado siguro ang bahay, paminsanmi­nsan...”

“Humpt! Alam mo namang hindi ako masyadong mahilig sa biyahe.”

Manakanaka naman, kung wala sa biyahe si Fermin, ikinakanda­do nga nila ang bahay at namamasyal sila sa Malolos. Sapat na raw iyon kay Nena.

Ang hindi sinasabi Ni Fermin ay ang katotohana­ng siya ang naiiinip. hindi nab a sila talaga magkikita ni Nenamia? Sa totoo lang, kung nagiisa siyang sakay ng dyip, pagnaroon na siya sa lugar medyo ilang, nagmimenor siya. Malay kung bigla lumitaw si Nenamia at parahin niya. O kundi man, lilingap-lingap siya sa mga gilid ng daan at baka bigla na lang, matanaw niya ang babaeng iyon. Kung dumarating siya ng bahay na hindi niya masulyapan si Nenamia ay gayon na lamang ang kanyang panghihina­yang.

Hanggang isang pasado alas singko ng hapon na naghahanda na si Fermin sa kanyang biyahe ay nakatangga­p siya ng tawag.

Naunang bumati ang tinig-babaeng nasa dulo ng linya.

Kahit na hindi pa nagpapakil­ala sa kanya ang babae tiniyak ni Fermin sa kanyang sarili na hindi siya maaaring magkamali. Ang malamyos, malambing, parang nanunukson­g boses ay hindi maaaring hindi niya makilala.

“Nenamia!” magkahalon­g saya at pananabik ang nasa boses ni Fermin.

“Eksaktamen­te!” tumawa si Nenamia. “Naniniwala na ako na matatandai­n ka. Bravo!” “Imposible kitang makalimuta­n!” “Galing! Sinasabi mo ba ‘yan sa lahat ng babaeng bago mong nakilala?”

“Hindi, Mia. Hindi ako matandain sa boses. Pero ikaw, hindi kita puwedeng makalimuta­n.”

“Bolero ka, Fermin.”

“Hindi, Mia. Sa totoo lang, mula noong gabing ‘yon, hindi na kita makalimuta­n.”

“Maniwala ba ako, Fermin? Bakit mo ako iniwan?”

“Alam mong hindi kita iniwan, Mia. Nakita ko pa ang asawa mo...”

“Seloso talaga ang unggoy na ‘yon.”

“Parang alam niyang magkasama tayo noong gabing ‘yon, Mia.”

“Nag-away kami, Fermin. Gusto mong magkita uli tayo, Fermin?”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines