Balita

Usapang Sports, inilarga ng PSC

- Annie Abad

SINIMULAN ng Philippine Sports Commission(PSC)angseryeng­dayalogosa mga National Sports Associatio­ns (NSAs), partikular yaong may mga problema sa liderato at ‘liquidatio­n report’.

Ayon kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang dayalogo ay paraan upang malaman ng pamahalaan ang mga suliraning bumabalot sa mga sports associatio­n at kung paano matutuguna­n ng ahensiya ang kanilang mga hinaing.

“We are here not to intervene but to listen,” pahayag ni Ramirez. “What we can do is to present this to the consultati­ve meeting with the POC and help them find a solution,” aniya.

Unang hinarap ng PSC ang mga stakeholde­rs ng Philippine Taekwondo Associatio­n (PTA).

Ayon kay Ramirez, wala silang planong makialam sa problema ng NSAs ngunit nais nilang pakinggan ang hinaing ng mga miyembro nito at humanap ng tamang solusyon.

“After these series of dialogues, the complaints and informatio­n we will gather, we will discuss this on Wednesday, Nov. 14 with my Board of Commission­ers, the Executive Director, Deputy Exec Directors, my chief of staff and our legal team,” sambit ni Ramirez.

Pormal na isusumite ng PSC ang mga hinaing sa kanilang consultatu­ve meeting kasama ang POC sa unang linggo ng Disyembre at inaasahan na may aksyon agad ang nasabing kumite hinggil dito.

Nakaharap din ng PSC kahapon ang dragonboat, gayundin ang table tennis at swimming na kapwa may suliranin sa liderato at hindi pa rin nareresolb­a kahit nagpalit na ang pamunuan sa POC.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines