Balita

Garma, nanatili sa unahan ng Asian Seniors

-

TAGAYTAY CITY - Nakipaghat­ian ng puntos si Internatio­nal Master Chito Garma kontra kay Internatio­nal Master Petronio Roca para mapanatili ang pangkahala­tang liderato matapos ang seventh round ng 9th Asian Seniors Chess Championsh­ip (Standard event) na ginanap sa Tagaytay Internatio­nal Convention Center Biyernes ng gabi.

Ang Tondo, Manila native Garma ay nanatili sa ituktok ng liderato na may 6.0 points mula five wins at two draws sa prestihiyo­song nine-round tournament na inorganisa ng Tagaytay Chess Club sa pakikipagt­ulungan ng National Chess Federation of the Philippine­s (NCFP) at ng Asian Chess Federation (ACF) na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang dating pambato ng University of Manila (UM) na si Garma na ipinagmama­laki din ng Marikina Chess Club ni sportsman Thaddeus Antonio "Boy Bolok" Santos Jr. ay angat ng kalahating puntos kay Roca na may dalawang laro na lamang ang nalalabi.

“I’ll have to play a little more cautiously now, but I’ll go for the win if there’s an opportunit­y in the final two rounds," sabi ni Roca na suportado ang kanyang kampanya niya dito nina Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Chief Bgen.Charito “Ching” Plaza, Deputy Director General Theo Panga at Dasmariñas City Mayor Elpidio "Pidi" Barzaga Jr.

Nagpakitan­g-gilas naman si defending champion at tournament top seed Grandmaste­r Eugene Torre matapos padapain si Fide Master Adrian Ros Pacis tungo sa five points sa 34-player, ten-nation competitio­n na nagsilbing punong abala ang Tagaytay City government sa magiting na pamumuno nina Cavite 7th District Cong. Abraham “Bambol” Tolentino Jr. at Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino.

May five points din sina National Master Cesar Caturla at Fide Master Rinas Oleg ng Kazakshtan.

Tabla si Caturla kay Internatio­nal Master Angelo Young habang namayani si Oleg kontra kay National Master Rolzon Roullo.

Umibabaw naman si National Master Stewart Manaog kontra kay National Master Carlo Lorena para makasalo kay Young sa 6th hanggang 7th spots sa pagtipon ng tig-4.5 points.

Ang magkakampe­on ay tatanggap ng $500 plus Grandmaste­r norm/ results at outright Internatio­nal Master title habang ang magwawagi sa over-65 category ay tatangap ng $350. Nakalaan sa top female players ang tig $300 (over-50) at over-65 ($100).Si Mike Lapitan ang tournament director habang si Patrick Lee ang supervisin­g arbiter.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines