Arum: Sor Rungvisai vs Ancajas sa 2019

Balita - - Sports -

TINIYAK ni Top Rank big boss Bob Arum na matutuloy ang unification bout ng alaga niyang si IBF Super Flyweight Champion Jerwin Ancajas ng Pilipinas at WBC junior bantamweight titlist Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand sa unang bahagi ng 2019.

Wala pang binanggit na petsa sa Pebrero o Marso si Arum ngunit tiniyak niyang magaganap ang sagupaan sa United States.

Idiniin ng Hall of Fame promoter na nakipag-ugnayan na siya sa promoter na si Tom Loeffler na kumakatawan kay Sor Rungvisai sa US.

“It’s just a matter of knowing the date (and venue),” sabi ni Arum.

Noong nakaraang Oktubre 6, sinaksihan ni Ancajas ang matagumpay na depensa ni Sor Rungvisai kay Mexican Iran Diaz sa Bangkok, Thailand via 12-round unanimous decision kung saan natantiya ng Pinoy boxer na magaang niyang tatalunin ang Thai champion.

“Ancajas was taken to the limit and nearly derailed in his last fight, when he fought to a close draw by Alejandro Santiago of Mexico in September in Oakland,” ayon sa ulat ng BoxingScene.com. “Ancajas has held his last three fights in the United States, all in 2018. He stopped Israel Gonzalez in February, and then won a twelve round unanimous decision over countryman Jonas Sultan in May.”

“Sor Rungvisai also had three fights in the United States. He won a very exciting fight over Juan Francisco Estrada, with a twelve round majority decision in Los Angeles,” dagdag sa ulat. “After having three bouts in a row on American soil, his last two bouts took place in Thailand, with a TKO victory in one round over Young Gil Bae.”

May rekord si Ancajas na 30-1-2 win-loss-draw na may 20 pagwawagi sa knockouts samantalang si Sor Rungvisai ay mas beterano sa kartadang 47-4-1 na may 41 pagwawagi sa knockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.