Ateneo tankers, umigpaw sa UAAP

Balita - - Sports -

TUMATAG ang target ng Ateneo na makalikha muli ng golden double matapos dominahin ang men’s and women division sa ikalawang araw ng kompetisyon nitong Biyernes sa Rizal Memorial Swimming Pool.

Pinangunahan ni three-time men's MVP Jessie Khing Lacuna ang ratsada ng Blue Eagles nang pagwagihan ang 100-meter butterfly sa bagong record na 55.77 segundo. Nabura niya ang dati niyang record na 55.79 na naitala ng two-time Olympian noong 2014.

Napagwagihan din ni Lacuna ang 400-meter freestyle event sa oras na 4:01.98 para sa ikaapat na gintong medalya sa kompetisyon.

Bunsod nito, umarya ang Ateneo sa liderato tangan ang 221 puntos kontra sa De La Salle (166) at University of Santo Tomas (89).

Kumana rin ang last year's women's Rookie-MVP Chloe Daos sa dalawang gintong napagwagihan sa 400-meter freestyle (4:33.37) at 100-meter butterfly (1:04.60) para sa kabuuang apat na ginto sa Lady Eagles sweep sa ikadalawang araw ng kompetisyon.

Nanguna ang Ateneo ladies na may 248 puntos kontra sa University of the Philippines (174) at UP (72).

Kumubra rin sina Eagles' Aki Cariño sa 200-meter backstroke (2:11.85) habang kumana ng bagong record sina Miguel Barlisan, Drei Buhain, Brandon Sing at Jethro Chua sa bagong record sa 4x100meter freestyle relay sa Oras na 3:36.73. Nabura nila ang 3:39.80 na naitala may dalawang taon na ang nakalilipas.

Napigilan ng De La Salle ang pagkabokya nang magwagi si Courtney Gray sa men’s 50-meter breaststroke (29.90).

Ang iba pang nakaginto sa Lady Eagles sina Courtney Gray sa 200-meter backstroke (2:30.94), rookie Dara Carreon sa 50-meter breaststroke (36.53) at 4x100m freestyle relay team nina Shaye Uy, Kristine Santos, Hannah Castañeda, at Andrea Ngui (4:15.87).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.