Ex-PBA coach, tiklo sa indiscriminate firing

Balita - - Pangunahing pahina - Ni BELLA GAMOTEA

Nalagay sa balag na alanganin ang isang dating coach ng Philippine Basketball Association (PBA) na sports car enthusiast matapos umano itong walang habas na mamaril sa kanilang lugar sa Makati City, nitong Biyernes.

Mahaharap sa kasong alarm and scandal si Dante Silverio, 81, businessman, nakatira sa Ecology Village, Barangay Magallanes, Makati City, at kasalukuyang nakahospital arrest sa Makati Medical Center matapos indahin umano ang paninikip ng dibdib at nahirapang huminga, dakong 3:00 ng umaga kahapon.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nangyari ang insidente sa loob ng Ecology Village sa Bgy. Magallanes, sa nasabing lungsod, dakong 10:23 ng umaga.

Unang nakatanggap ng reklamo ang Makati City Police mula sa mga residente kaugnay ng walang habas na pagpapaputok ng baril ni Silverio, na nagdulot ng takot sa mga ito.

Sinasabing may matagal nang kaalitan na kapitbahay ang suspek, na sanhi ng pagpapaputok nito ng baril.

Mabilis na tumakas ang suspek sakay sa kanyang puting Toyota Fortuner, subalit minalas na masakote sa follow-up operation ng mga tauhan ng Special Weapons and Tactics (SWAT), Special Response Unit (SRU) at Police Community Precinct (PCP)-4, sa loob ng kanyang opisina sa S. Services Inc., na nasa Don Chino Roces Extension,Makati City.

Hindi pa isinasailalim sa inquest proceedings sa Makati Prosecutor’s Office si Silverio habang isinusulat ang balitang ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.