Balita

Power couple, pretending na lang?

- Ni REGGEE BONOAN

TUNGKOL ito sa magasawang nababalita­ng on the rocks ang relasyon na nagsasama sa iisang bahay pero hindi na magkatabi sa kama dahil kailangan nilang palabasing okay pa sila dahil maganda ang imahe nila sa publiko.

Kaya pala pansin na pansin ng netizens na kahit nakangiti si misis ay ang lungkot-lungkot pa rin ng mga mata niya at halatang pigil ang ngiti niya kapag may mga kumukuha ng litrato nilang mag-asawa, dahil nga nakikita naman silang magkasama.

Ang dahilan ni misis ay may babae si mister, bagay na ikinagulat namin dahil unang-una wala, sa imahe niya ang pagiging babaero o playboy dahil napaka-pormal at tahimik, e, sabi nga ni bossing DMB, “ano ka ba, ‘Gee! Ang mga tatahimik-tahimik at pormal, nasa loob ang kulo!’

Hindi pa rin kami naniwala kasi nga maganda ang nabuong imahe sa amin ni mister lalo’t kapag nagkikita kami ay magalang siyang bumabati.

Una naming narinig na may babae si mister ay nu’ng napadpad siya sa malayong isla sa Pilipinas at marami raw ang nakakita na may kasama itong kilalang aktres. E, parang hindi naman kami naniwala kasi alam namin ay ‘taken’ na ang girl.

Pero hindi namamatay ang tsismis kina mister at aktres, so imbestiga to the max kami pero wala pa rin kaming nakuhang pruweba.

Hanggang sa tumawag ang kaibigan namin na minsan lang yata sa isang taon namin makausap at sabi niya, nakita niya si mister na may kasamang ibang girl sa kilalang five-star hotel sa Makati City nang madaling araw.

Ang buong kuwento sa amin, “huy, hiwalay na ba sina (magasawa), nag-check in siya (mister) may kasamang girl, medyo hindi namin mamukhaan kasi naka-cap si (girl). Sabi lang itse-check in niya ang niece niya kasi galing somewhere, care naman namin.

“So dedma na kami, e, siyempre maraming CCTV sa bawat floor, so nakita sila sa room na assign sila, pumasok si (mister) sa room with his niece daw. Tapos after two hours lumabas sila at nakitang may tinapon na something si mister sa trashcan.”

Paulit-ulit naming tanong sa kaibigan namin, ‘sure ka?’ kasi nga ang hirap talagang paniwalaan.

“Kaya nga ako nagtatanon­g kasi wala naman akong alam sa kanila (mister at misis). Sasayangin ko ba oras mo, e, alam ko namang busy ka, ha, ha, ha,” say sa amin.

Kung totoo man ito, nalulungko­t kami kasi parang perfect combinatio­n na sila as couple tapos mauuwi lang pala sa wala. But still, naniniwala akong maaayos pa ito lalo’t malawak naman ang pasensya ni misis pati ng pamilya niya na sobrang boto kay mister.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines