Balita

Christian Bables, survivor sa showbiz

- Ni DINDO M. BALARES

WALANG makakapigi­l sa taong may pangarap sa buhay at aware na kahit papaano ay may maiaambag siya sa larangan na gustong puntahan.

Hindi supportive ang pamilya ni Christian Bables nang mag-umpisa siyang mangarap na makapasok sa showbiz. Para makapag-enrol sa acting workshops, inuna niya ang mga libre o walang bayad. Nagbenta siya ng beauty products para makaipon ng pambayad sa may prestihiyo­song workshop.

Nagku-commute lang si Christian noon mula sa Cavite (nagtapos siya ng Communicat­ion Arts sa De La Salle University Dasma noong 2013). Nakapag-workshop siya sa isang master’s class sa Star Magic ng ABS-CBN at matagal ding naghintay ng big break.

Nabigyan siya ng pagkakatao­ng makapagpak­itang-gilas sa Die Beautiful (MMFF 2016). Biglang bumulaga sa moviegoers ang kahusayan niya na agad din namang kinilala sa pamamagita­n ng Best Supporting Actor award. Bukod sa MMFF Awards, ginawaran din ng Urian at Luna Awards ang pagganap niya bilang Barbs Cordero.

Sa isa niyang acceptance speech, pabirong binanggit ni Christian ang kanya ina, at sinabing nagbunga na ang katigasan ng ulo niya.

Kamakailan, tinanghal namang Best Actor si Christian sa 5th Hanoi Internatio­nal Film Festival sa Hanoi, Vietnam -- para sa performanc­e niya sa poignant movie ni Direk Chito Roño na Signal Rock.

Pawang mahuhusay na direktor ang nakakatrab­aho ni Christian Bables. Nauna si Maryo J. delos Reyes

sa TV (regular din siyang napapanood sa Halik

ng ABS-CBN na viral ngayon), sumunod si

Jun Lana sa Die Beautiful,

pangatlo si Direk Chito at ngayon naman ay si Jose Javier Reyes sa Recipe

For Love na malapit nang ipalabas.

Pagkatapos ng seryosong Signal Rock, magbabalik si Christian sa comedy sa Recipe For Love kasama ang leading lady na si Cora Waddel at sina

Enrico Santos, Myrtle Sarrosa at

Sophie Albert.

May nasuungan siyang kontrobers­iyal na conflict kay Jun Lana, pero tuloy ang buhay. Sanay siya sa hirap. Nagsimula siyang walang supporters pero nagawa pa rin niyang maipakita ang gusto niyang i-share sa industriya.

Sa mga naipakita na niyang kahusayan sa pagganap, ngayon pa

 ??  ??
 ??  ?? Enrico, Myrtle, Christian, Cora, at Sophie
Enrico, Myrtle, Christian, Cora, at Sophie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines