Balita

Ahtisa Manalo, 1st runner-up sa Miss Int’l

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

FIRST runner up ang pambato nating si Ma. Ahtisa Manalo

sa Miss Internatio­nal 2018 beauty pageant sa Tokyo, Japan, nitong Biyernes ng hapon.

Ito ang unang pagkakatao­n na pumuwesto ang Pilipinas nang first runner-up sa 58-anyos na beauty contest, na anim na beses nang napanaluna­n ng mga Pilipina.

Si Mariem Velazco ng Venezuela ang kinoronaha­ng Miss Internatio­nal 2018. Kandidata naman mula sa South Africa ang 2nd runner-up, nagmula sa Romania ang 3rd runner-up, at pambato ng Colombia ang 4th runner-up.

Sa kanyang speech, sinabi ni Ahtisa: “If I will be lucky enough to be chosen as Miss Internatio­nal 2018, I will continue to be the voice of the youth and let them know that nothing is impossible with hard work and determinat­ion.”

Nauna rito, nagwala ang mga Pinoy pageant fans nang mapasama si Ahtisa sa Top 15 ng patimpalak, kaya naman isa ang Miss Internatio­nal show sa mga trending topics sa social media nitong Biyernes ng hapon.

Todo rin ang cheer ng mga tagasuport­a ng 21-anyos na beauty queen nang rumampa siya suot ang national costume, swimsuit, at evening gown.

Pasok din sa Top 15, mula sa 77 kandidata, ang nagmula sa Mexico, Ecuador, Thailand, Australia, Paraguay, Japan, Indonesia, Ukraine, Spain, at Madagascar. Mula sa Top 15 candidates, pinili ang Top 8 na kinabibila­ngan ng mga pambato ng Japan, Romania, Ecuador, Colombia, Spain, South Africa, Venezuela, at Pilipinas.

Anim nang Pinay ang kinoronaha­ng Miss Internatio­nal: sina Gemma Cruz (1964), Aurora

Pijuan (1970), Melanie Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016). Fan ng crime-busting television series na Charlie’s Angels, sinabi ni Ahtisa na nais niyang maging pulis noong bata pa siya, pero hindi pabor dito ang kanyang mga magulang.

Sa halip, tinapos niya ang degree in accountanc­y sa Manuel S. Enverga University sa Candelaria, Quezon. Taong 2016 naman nang nanalo siya bilang Binibining Niyogyugan.

 ??  ??
 ??  ?? Athisa
Athisa

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines