Balita

Sophie Albert, game sa kahit anong role

- Ni NORA CALDERON

PANGARAP ni Kapuso actress Sophie Albert na sumubok ng iba’t ibang role, sa pelikula o telebisyon man, ay handa siyang tanggapin ang anumang role na ibibigay sa kanya.

Ibinahagi ito ni Sophie sa media conference ng bagong pelikula na kinabibila­ngan niya, kasama sina Christian Bables at Cora Wadell. “Like po sa bago kong movie, ang ‘Recipe for Love’ ng Regal Films, kontrabida po ako.

“Dito po, pipilitin kong agawin kay Cora si Christian. Magtagumpa­y kaya ako?”

Pero sa kanyang ongoing teleserye ngayon, ang Pamilya Roces, lumalabas na bida-kontrabida si Sophie dahil siya ang gumaganap sa karakter

ni Amber, isa sa mga anak ni Roi Vinzon, at anak siya nito kay Elizabeth Oropesa. Stepsister­s niya

sina Carla Abellana, Gabbi Garcia, Jasmine

Curtis Smith at Shaira Diaz. Sa istorya, pipilitin niyang ma-in love sa kanya si Rocco Nacino na asawa ni Carla.

Ang karakter ni Amber sa Pamiya Roces ay ibang iba sa natural na Sophie Albert. Pero na-challenged daw siya nang malaman niyang second choice lamang siya sa role dahil una itong ini-offer kay Win Wyn Marquez, na tinanggiha­n ng beauty-queen actress dahil hindi pa raw siya ready sa mga ganoong role na pa-sexy at mangaagaw ng asawa.

“Nang basahin ko naman po ang script, hindi naman ako nag-alaala dahil sa TV naman ang teleserye, hindi kami p’wedeng gumawa ng masyadong sexy dahil may MTRCB, plus medyo late na ito ipalalabas kaya okay lamang.”

Hindi ba nag-react dito ang boyfriend niyang

si Vin Abrenica?

“Kami po ni Vin, nag-usap na kami simula pa na hindi kami makikialam sa isa’t isa sa work namin. Paano kami maggu-grow kung may limitation­s kami.”

Inamin din ni Sophie na mas mahirap magpatawa kaysa magdrama.

“Kung minsan po pinapansin ako ni Direk

Joel Lamangan kapag lumalabas ang pagka-slang ng dialogue ko, eh si Amber medyo may pagkashung­a. Ngayon po nasanay na ako sa character ko bilang si Amber, pero takot pa rin ako kay Direk Joel kaya pinagbubut­i ko ang acting ko.” Ang isa pang ikinatutuw­a ni Sophie sa Pamilya

Roces ay dahil may daddy siya na nakakausap niya at nagbibigay ng advice sa kanya. Miss na miss na kasi niya ang daddy niyang 17 years nang comatose. Bata pa raw siya nang ma-stroke ang ama, pero maayos naman ang kalagayan nito. Kapag wala siyang work, umuuwi siya sa Tarlac para makasama ang parents niya.

Inamin din ni Sophie na kahit matagal-tagal na rin siya sa showbiz ay may stage fright pa rin siya.

“I love to be in front of the camera, but I’m very shy. Pero kapag nasa harap na po ako ng camera, nagiging comfortabl­e na ako.” Anyways, sa November 21 na showing ng Recipe for Love, sa direksyon ni Jose Javier Reyes

at ang Pamilya Roces naman ay napapanood gabigabi after ng Onanay.

 ??  ?? Sophie
Sophie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines