Joshua, nagtitipid para makabili ng bahay

Balita - - Showbiz - Ni ADOR V. SALUTA

IPINAGDIWANG ni

Joshua Garcia ang kanyang 21st birthday sa Fernwood Gardens, Q.C., noong November 4. Sa panayam sa aktor, sinabi niyang ang kanyang pamilya ang inspirasyon niya para pagbutihin pa ang pagtatrabaho at maabot ang kanyang mga pangarap. Sey ng aktor na bida sa

Ngayon at Kailanman, “Sa life ko, gusto ma-achieve, siyempre mabilhan ko ng bahay tatay ko, mabigyan ko siya ng negosyo, mabilhan ko ng bahay ‘yung sarili ko, mapagtapos ko ‘yung ate ko, marami talaga.

“Kailangan may goal ka para ginaganahan ka rin magtrabaho,” sabi pa ni Joshua.

Para naman sa kanyang showbiz career, ani Joshua, he still has a lot to achieve as an actor, “Kada ginagawa kong show, pelikula, kahit ano pa ‘yang trabaho, may goal ako.”

Sinabi rin niyang isa sa mga pangarap niya ay magkaroon ng sariling restaurant in Manila, which serves Batangueño specialties.

Ano naman kaya ang mga espesyal na menu?

“Gusto ko Batangas Special na wala dito [sa Manila].”

Ang kanyang father na si Geo Garcia daw ang magiging cook ng restaurant niya, dahil dito niya raw namana ang passion niya sa pagluluto.

“Kasi ‘yung papa ko magaling dun, e,” pagmamalaki pa niya.

Bukod sa mga negosyong kanyang pinaplano, balak din niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

“Pagka nakatagal-tagal gusto kong bumalik sa pag-aaral, kapag hindi na busy, ganyan. “Marami akong gustong pag-aralan, gusto ko mag-aral ng photography, ng pagluluto.”

At the moment, ang top priority daw ni Joshua ay makabili ng bahay para sa kanyang mga magulang.

“Bahay muna ako, kailangan ng matitirhan.”

Dagdag pa ng aktor, “Actually, gawa na siya, bibilhin na lang. Sa may QC. Dito, kasi nandito ‘yung trabaho ko e.”

Ibinahagi rin niyang may sapat na siyang naipon para makabili ng house and lot. At every peso counts ngayon sa aktor para maka-save.

“Dapat tipid ka, kung halimbawa sa taping, may taping food naman so hindi mo na kailangan bumili ng pagkain sa labas,” katuwiran ni Joshua.

Joshua

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.