Balita

Kanye West, ligtas sa shootout

-

KINUMPIRMA

ni Kanye West sa kanyang fans na siya ay “OK”.

Nitong Biyernes ng umaga, siniguro ni Kanye na ipaalam sa kanyang fans na siya ay ligtas, kasunod ng ulat ng

TMZ na pinagbabar­il ang set ng isang bagong music video, na kinaroroon­an ang rapper, ulat ng Yahoo Celebrity.

Iniulat na magkasama sina Kanye at Tekashi 6ix9ine sa isang rented $80 million mansion sa isang exclusive street sa Beverly Hills, kung saan inaasahang pupunta rin si Nicki Minaj para i-shoot ang part sa video.

Ayon sa mga ulat, rumesponde umano ang pulisya as tawag na nagmula sa lokasyon bandang 10:25 ng gabi. Nitong Huwebes, inihayag ng saksi sa TMZ may isang katao na nagpaputok sa lugar nang walong beses.

Nakatakas ang lahat at walang natamong sugat, at itinigil na rin ang production ng video. Ipinakita ng website ang larawan ng kuwartong napinsala ng pamamaril, na umano’y dapat na dressing room ni Nicki sa oras na siya ay dumating.

Samantala, isang oras bago ang shooting, sinabi naman ng asawa ni Kanye na si Kim Kardashian, na isa sila sa libu-libong pamilya sa Southern California na lumikas sa lugar dahil sa wildfires. Binanggit niyang nakauwi na siya sa kanilang bahay sa Calabasas, California, mula sa isang trip nitong Huwebes at nagmadali na siyang nagimpake ng gamit ng kanyang pamilya.

Ang magandang balita ay parehong ligtas sina Kanye at Kim sa kabila ng kanilang malagim na gabi. Nagbahagi rin si Kim ng ilang larawan ng sunog, habang nag-promote naman si Kanye ng kanyang Yeezy shoes.

 ??  ?? Kanye
Kanye

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines