Kardashians, Lady Gaga, Cher, apektado ng Malibu wildfire

Balita - - Showbiz -

ILAN lang sina Kim Kardashian at Lady Gaga sa libu-libong lumikas sa kanilang mga bahay nitong Biyernes, dahil sa mabilis na pagkalat ng wildfire na tumupok sa Malibu at sa kalapit na celebrity neighborhoods.

Nitong Huwebes ay lumikas na si Kim mula sa bahay nila ni Kanye West na malapit sa Calabasas. Nag-tweet siya nitong Biyernes na “(she) heard the flames have hit our property... but now are more contained and have stopped.”

Ang buong 12,000-strong population ng Malibu, na 27 miles (43.5 km) ng Pacific Ocean sa Southern California hanggang sa Santa Monica mountains, ay isinailalim na sa mandatory evacuation nitong Biyernes dahil sa pagkalat ng sunog.

Inihayag sa Twitter ng City of Malibu na “fire was burning out of control.”

Ang Malibu at Calabasas ay tahanan ng daandaang celebrities at entertainment executives dahil sa maganda nitong ocean views, rolling hills at malalaking isolated estates. Kabilang sa mga kasalukuyan at dating naninirahan dito sina

Barbra Streisand, Tom Hanks, Judd Apatow at Britney Spears.

Iniulat naman ng celebrity website na TMZ na ang bahay ni Caitlyn Jenner, ang best-known transgender activist ng America, sa Malibu ay kabilang sa mga natupok ng apoy nitong Biyernes.

Hindi pa makumpirma ng publicist ni Caitlyn ang status ng kanyang bahay, ngunit sinabi nito sa Reuters na ligtas si Caitlyn.

Samantala, nag-post naman ang mga residente sa social media na humihingi ng tulong para ilikas ang kanilang mga alagang hayop gaya ng kabayo at iba pang malalaking hayop, habang grabeng traffic naman ang kinaharap ng mga residente sa nag-iisang coastal highway na papasok at palabas ng Malibu.

Nag-tweet din si Cher, na nagsabing naninirahan na siya sa Malibu simula pa noong 1972, na ang wildfire ay palapit na sa kanyang bahay, at wala siya sa bahay niya nang mga oras na iyon.

“Friends’ houses have burned. I can’t bear the thought of there being no Malibu,” post ng singer.

Nag-post naman si Lady Gaga ng video sa kanyang Instagram account at sinabing lumikas na siya sa kanyang bahay sa Malibu nitong Biyernes. Kita sa video ang mga imahe ng malaki at maitim na usok na nanggagaling sa sunog. Nag-tweet sin ang movie director na si

Guillermo del Toro na inabandona na niya ang kanyang malawak na “Bleak House” museum collection of fantasy at horror memorabilia.

“Bleak House and the collection may be endangered but the gift of life remains,” tweet ni del Toro, direktor ng Oscar best picture winner na The Shape of Water. Nag-post din si Alyssa Milano, ang leading force sa #MeToo social movement laban sa sexual harassment, at humingi siya ng tulong para ilikas ang limang kabayo sa area niya at sinabi niyang kasama niyang lumikas ang kanyang “kids, dogs, computer and my Doc Marten boots.” Gayundin, inihayag ni Rainn Wilson, dating star ng The Office, ng singer na si Melissa Etheridge, at ni Roma Downey, asawa ni The Apprentice producer Mark Burnett, na lahat sila ay nagmadaling lumikas nang matanggap ang short notice.

Kim, Lady Gaga at Cher

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.