Netflix, kinasuhan ng Satanic Temple

Balita - - Showbiz -

KINASUHAN ng Satanic Temple ang Netflix Inc. (NFLX.O) at ang Warner Bros Entertainment nitong Huwebes, at humihingi ng mahigit $50 million danyos para sa umano’y “unauthorized use of a statue of the goat-headed deity Baphomet” sa series na Chilling Adventures of Sabrina.

Sa reklamong isinampa sa U.S. District Court, inakusahan ang dalawang defendant ng copyright infringement, trademark violations at injury to its reputation.

Ipinasa ng Netflix ang request para sa komento sa Warner Bros, at inihayag ni AT&T Inc (T.N). Warner Bros Spokesman Paul McGuire na hindi pa napag-uusapan ng kumpanya ang nakabimbing kaso.

Ayon sa complaint, ginamit ng Netflix, na nag-distribute ng Sabrina, at ng Warner Bros, na producer ng serye, sa maling paniniwala si Salem, Massachusetts-based plaintiff’s “Baphomet with Children” dahil inihayag ng serye na ang ito “stands for evil.”

Sinabi ng Satanic Temple, na ang pormal na pangalan ay United Federation of Churches LLC, na ang estatwa ay lumabas ng ilang beses sa unang 10 Sabrina episodes, na ini-release noong Oktubre 26, at ito ang “key element” sa season finale. “The unique elements of TST’s expression of the idea of Baphomet, and particularly the use of a male chest rather than voluptuous large female breasts, and the configuration with a small boy and small girl looking at the Sabbatic Goat head of the statue, were unquestionably copied by defendants,” saad sa complaint.

Dagdag pa, umalma rin ang Satanic Temple dahil ang evil antagonists sa Sabrina “were depicted in a manner in stark contrast to TST’s tenets and beliefs.”

Isinusulong din ng kaso ang pag-aalis ng o digital removal ng naturang estatwa sa Sabrina episodes.

Ang Chilling Adventures of Sabrina ay batay sa comic book series na may parehong pangalan mula sa Archie Comics.

Ang main character nito ay isang half-witch, half-human teenager na ginamapanan ni Kiernan

Shipka, ang lead character na gumanap sa karakter ng anak ni Don Draper, si Sally, AMC series na Mad Men.

BTS Eksena sa ‘Chilling Adventures of Sabrina’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.