Balita

Digong sa WPS oil share: Mas malaki sa ‘min

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Igigiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China na dapat ay mabigyan ang Pilipinas ng mas malaking bahagi sa magiging kita nito mula sa makukuhang langis sa isasagawan­g joint exploratio­n ng dalawang bansa sa West Philippine­s Sea (WPS) o South China Sea.

Ito ang inihayag ng Pangulo nang dumalo sa “Subaraw Biodiversi­ty Festival” ng Palawan sa Puerto Princesa City nitong Sabado ng gabi.

Kailangan, aniya, ng Pilipinas ang langis upang mapailawan ang mga lugar sa bansa na hindi pa nararating ng elektrisid­ad.

“‘Yang oil sinabi ko sa China, kung meron man at kayo ‘yung magdi-drill d’yan ng oil, sabi ko ‘I will have to insist on mas malaki ‘yung amin. Amin ‘yan, eh,” sabi ni Duterte.

“Alam mo bakit? Kailangan ko ‘yung pera, kasi ‘yung inyong sitwasyon dito (Palawan), ‘yung inyong ilaw dito. At this late of the day of developmen­t in the country, may brownout kayo na six to eight hours. That is not acceptable to me,” aniya.

Marso ngayong taon nang tinukoy ng Malacañang ang Service Contract (SC) 57 at SC 72 sa pagsasagaw­a ng joint exploratio­n.

Matatandaa­ng sinabi ni dating Presidenti­al Spokesman Harry Roque na kinakailan­gang sumunod ng China sa domestic law ng bansa, dahil ang Pilipinas ang nakasasako­p ng SC 57.

“They will absolutely be subject to Philippine laws if it is [SC] 57. It would have to be the mining code. The domestic law of the Philippine­s will prevail over [SC] 57,” pahayag ng Malacañang.

Alinsunod sa Philippine National Oil Company (PNOC), ang SC 57

ay ini-award sa PNOC Exploratio­n Corporatio­n (EC) noong Setyembre 15, 2005.

Sinasaklaw nito ang kabuuang 7,120 square kilometer sa baybayin ng Northwest Palawan at ito matatagpua­n sa tinatayang 50 kilometro sa hilagang-kanluran ng north-westernmos­t tip ng Busuanga Island.

Nauna nang nilinaw ng Malakanyan­g na wala namang magiging problema kung pahihintul­utan ng Pilipinas ang China na maki-joint explore at magamit ang lugar na nasasaklaw­an ng EEZ dahil hawak pa rin ng bansa sovereign decision sa pagsasagaw­a nito.

 ?? AFP ?? PAG-ALALA SA WWI Sentro ng paggunita ng ika-100 anibersary­o ng pagwawakas ng World War I sa Paris ang “Tomb of the Unknown Soldier” sa Arc de Triomphe, kung saan nasa 70 lider sa mundo ang nagtipon upang pangunahan ang seremonya nitong Linggo.
AFP PAG-ALALA SA WWI Sentro ng paggunita ng ika-100 anibersary­o ng pagwawakas ng World War I sa Paris ang “Tomb of the Unknown Soldier” sa Arc de Triomphe, kung saan nasa 70 lider sa mundo ang nagtipon upang pangunahan ang seremonya nitong Linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines