Balita

2 PRIVATE ARMY NG PULITIKO, NILANSAG

- Ni MARTIN A. SADONGDONG

Kinumpirma kahapon ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakalan­sag sa dalawang grupo ng organized crime syndicate (OCS), na ginagamit umano ng ilang pulitiko bilang private army.

Sinabi kahapon ni PNP Chief Director Gen. Oscar Albayalde na limang miyembro ng Peralta Group ang naaresto ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ng pulisya sa magkahiwal­ay na operasyon sa Northern at Central Luzon nitong huling bahagi ng Oktubre.

Samantala, napatay naman ng mga pulis nitong weekend ang mga miyembro ng Alvero Group sa San Pablo City, Laguna.

“These two groups both provide services as Private Armed Groups to some politician­s and their activities are sustained by proceeds from illegal drugs and kidnapping-for-ransom,” sinabi ni Albayalde sa press conference sa Camp Crame, Quezon City.

Gayunman, sinabi ni Albayalde na hindi pa maaaring pangalanan ang mga pulitikong nag-uupa umano sa mga suspek, dahil makokompro­miso ang isinasagaw­ang validation ng PNP.

Ayon kay Albayalde, karamihan sa mga nasabing pulitiko ay mga gobernador at alkalde na kakandidat­o sa susunod na taon.

“As of now, we cannot divulge the names of these politician­s. We have intelligen­ce informatio­n that needs to be confirmed and validated. Hindi lang natin bastabasta masabi ‘yung pangalan ng mga pulitiko,” ani Albayalde.

Ayon kay AKG Director, Chief Supt. Glenn Dumlao, ang Peralta Group ay isang gun-running syndicate na kumikilos sa Northern at Central Luzon.

Sinabi ni Dumlao na dapat ay aarestuhin nila ang lider ng grupo na si Ricardo Peralta, pero tanging mga tauhan lang nito ang nadakip nila sa safehouse ng grupo sa Echague, Isabela.

Kinilala ni Dumlao ang mga inaresto na sina Dennis Matias, Mary Ann Mallari, Raymond Dequina, John Lana, at Jackie Lou Isidro.

Sangkot ang Peralta Group sa limang kidnap-for-ransom case, na karamihan sa mga biktima ay pinapatay; at sa 20 high-profile gunfor-hire activities na pumatay sa 26 na katao sa Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Metro Manila, at Cagayan Valley.

Kabilang umano sa mga napatay ng grupo sina Hermosa, Bataan Councilor Danilo Basi noong Abril 2017; dating Abra Vice Governor Rolando Somera noong Hunyo 2017; Makati City Councilor Dodong Bagang noong Mayo 2014; at Doña Remedios Trinidad, Bulacan Mayor Esteban Paulino noong Disyembre 2000.

Tinutugis ngayon ng AKG si Peralta, na may arrest warrant sa multiple murder, kidnapping, carnapping, highway robbery, at brigandage.

Ayon kay Dumlao, nasamsam mula sa grupo ang dalawang assault rifle, dalawang handguns, isang carbine conversion kit, 22 iba’t ibang ATM at credit cards, apat na mobile phone, isang shotgun, isang granada, dalawang improvised explosive device, at tatlong sports utility vehicle (SUV). Samantala, kinumpirma ni Chief Supt. Edward Carranza na napatay ang sinasabing lider ng Alvero gun-for-hire group at drug syndicate na si Christophe­r Alvero, nang magpatupad ng search warrant ang mga tauhan ng San Pablo City Police sa Barangay San Ignacio nitong Sabado.

Napatay din ang dalawang hindi pa nakikilala­ng lalaki, na kasabwat umano ni Alvero.

Si Alvero ang ikawalo sa highvalue target (HVT) list ng Laguna Police Provincial Office dahil sa pagtutulak ng droga sa siyudad at sa mga kalapit nitong bayan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines