Balita

Edad, kalusugan ni Imelda, ikokonside­ra

- Aaron B. Recuenco

Isaalang-alang ng Philippine National Police (PNP) ang kalagayan ni dating First Lady at ngayo’y Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos kapag isisilbi nila ang warrant of arrest na ilalabas ng Sandiganba­yan laban dito, kaugnay ng hatol dito ng hukuman para sa pitong bilang ng graft.

Ito ang tiniyak ni PNP Director General Oscar Albayalde at sinabing ikokonside­ra nila ang katandaan at kalusugan ng kongresist­a sa nasabing usapin.

“We have to take into considerat­ion the age. In any arrest or anybody or that matter that has to be taken into considerat­ion: the health and age,” aniya.

Si Marcos ay 89 taong gulang na at napaulat na marami na siyang nararamdam­ang sakit, dahil na rin sa katandaan nito.

Matatandaa­ng hinatulan si Marcos ng pagkakakul­ong ng hanggang 77 taon kaugnay ng pitong bilang ng graft dahil sa pagkakaroo­n nito ng Swiss bank accounts, na may milyunmily­ong dolyar.

Itinanggi rin ni Albayalde ang alegasyong hindi ito kasing determinad­o sa pag-aresto kay Marcos kumpara sa naging kaso ni Senator Antonio Trillanes IV.

“On the case of Senator Trillanes, it’s not meant to harass. Actually, the Senate is really being guarded by policemen, we have policemen who are actually assigned there, not necessaril­y for Senator Trillanes,” sabi nito.

Ipaiiral din, aniya, ng PNP kay Marcos ang ginawa nilang pagtrato noon kay Trillanes.

Sinabi pa ni Albayalde na pangunguna­han ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) ang pagsisilbi ng arrest warrant laban sa dating Unang Ginang.

“It will be the CIDG which will lead the arrest and if there would be order that she be brought here in our facility, we are always ready to accommodat­e the former First Lady,” dagdag pa ni Albayalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines