Balita

Uuwing negotiator­s huhulihin kung may arrest warrant

- Francis T. Wakefield

Tiniyak kahapon ng militar na ang lahat ng kanilang galaw partikular sa pag-aaresto o pagtugis sa mga kalaban ng estado kabilang ang mga nasa panig ng komunista ay palaging naayon sa batas.

Ito ang ipinahayag ni Armed Forces of the Philippine­s (AFP) Public Affairs chief Col. Noel Detoyato matapos ilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend na ipinaabot nina National Democratic Front of the Philippine­s (NDFP) negotiator­s Fidel Agcaoili at Luis Jalandoni ang impormasyo­n sa kanya kaugnay sa kanilang intensiyon na umuwi sa bansa para siya ay kausapin.

Ayon kay Detoyato, kung ang dalawang communist leaders ay mayroong nakabiting warrants of arrest, maoobliga ang mga awtoridad na ipatupad ito.

“All actions of the AFP will always be within the bounds of the law,” ani Detoyato. “Kung may warrant of arrest sila na existing, the PNP ang in charge sa pag-aresto.”

Samantala, sa text message, sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na walang direktiba na arestuhin ang dalawang komunistan­g lider, “but they will find out if they have pending arrest warrants”.

Sinabi ni Duterte na kinonsulta niya ang militar tungkol sa nais nina Agcaoili at Jalandoni at maglalabas ng pahayag sa pagbabalik niya mula sa kanyang pagbisita sa Singapore at Papua New Guinea sa susunod na linggo.

“Agcaoili and Jalandoni — I will not keep it a secret. I do not want iyang confidenti­al-confidenti­al. Pupunta dito sabi nila gusto nila akong kausapin. Ang problema nila pagka hinuli sila. So sabi ko talagang huhulihin kayo,” aniya sa pagbisita niya sa Palawan nitong Sabado.

Ayon sa Pangulo, kaagad siyang nagpatawag ng meeting sa mga opisyal ng militar para pag-usapan ang kahilingan ng dalawang negoyador.

“Nagtawag ako ng cluster meeting kasali na mga military. So what do you think? Sabi nila, baka. Baka pala. It’s not a very big margin there. Pero baka pala,” aniya.

“So, when I go back after Papua New Guinea and Singapore, I will make the announceme­nt,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines