Balita

Pagtitipid sa ODA loans pinaiimbes­tigahan

- Charissa M. Luci-Atienza

Hinihiling ng isang mambabatas ng oposisyon na imbestigah­an ng Kamara ang iniulat ng gobyernong Duterte na mababang paggastos sa Official Developmen­t Assistance (ODA) loans noong 2017.

Nagpahayag ng pagkabahal­a si MAGDALO partylist Rep. Gary Alejano na ang pagkaantal­a sa paggamit sa ODA loans ay magreresul­ta sa pagkakaant­ala ng pagkukumpl­eto sa 17 proyekto.

Sinabi niya na dapat ipaliwanag ng mga kasapi ng Kamara ang estado ng 17 apektadong proyekto at ang rason sa likod ng pagkaantal­a.

“This chamber, given the power and prerogativ­e to approve, determine, and allocate the national budget of government must conduct an inquiry, in aid of legislatio­n, to explain the cause of the low spending of the government with regard to the ODA loans leading to the delay in the completion of projects impeding growth and national developmen­t,” aniya sa paghahain niya ng House Resolution 2220.

Binanggit niya na kamakaiala­n ay naalarma ang Commission on Audit (COA) sa mababang paggastos ng gobyernong Duterte sa ODA loans, ibinunyag na P299.75 milyon lamang mula sa P74.55 bilyon inaprubaha­ng loans mula sa foreign lenders ang ginamit ng gobyerno. “The P299.75 million represents only around 0.4 percent of the total net loan commitment­s received from at least 10 foreign aid loans contracted in 2017.The low spending caused delays in the target date completion of 17 projects,” ani Alejano.

Ayon sa CoA, kabilang sa mga naantalang proyekto ang Capacity Enhancemen­t of Mass Transit Systems in Metro Manila project na tumanggap ng P20.796B mula sa Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency (JICA); ang konstruksi­yon ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 Cavite Extension at ng LRT Line 2 Masinag Extension; New Bohol Airport Constructi­on and Sustainabl­e Environmen­t Protection Project; Cebu Bus Rapid Transit System; and Philippine Coast Guard (PCG) Capability Developmen­t Project, at iba pa.

Ikinalulun­gkot ni Alejano na bukod sa pagkakaant­ala ng pagkukumpl­eto sa mga tinukoy na proyekto, kailangan ding bayaran ng gobyerno ang lenders ng “commitment fees” o penalties na nagkakahal­aga ng P230.17M dahil sa “delayed withdrawal or availment of loans.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines