Balita

Opisinang tutugon sa foreign media, nilikha

- Genalyn D. Kabiling

Isang bagong opisina ng gobyerno ang nilikha para humawak sa matiwasay na pagpapakal­at ng impormasyo­n sa mga polisiya at programa ng gobyerno sa foreign press.

Ipinahayag ni Presidenti­al Communicat­ions Secretary Martin Andanar ang paglikha ng Office of Global Media Affairs na tutugon sa mga alalahanin at katanungan ng foreign media tungkol sa gobyerno ng Pilipinas.

Ang bagong opisina, attached agency ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office (PCOO), ay pamumunuan ng dating television reporter na si JV Arcena, ayon kay Andanar.

“We are already paving the way at the possibilit­y of that press attaché division kaya ang PCOO po, sa ilalim ng Office of Press Secretary ay nagbuo na ng Office for Global Media Affairs,” ani Andanar sa panayam sa radyo.

“We will process the questions coming from anywhere in the world – be that from Europe, from America, from Africa, from the Asia-Pacific – kung mayroong mga questions sa ating Presidente or sa iba’t ibang sangay ng gobyerno. Itong division na ito ang mamamahala at tutulong sa ating gobyerno para mabigyan ng sagot iyong mga katanungan ng maraming reporters sa buong mundo,” aniya.

Kumpiyansa si Andanar na magagawa nang mabuti ni Arcena, dating senior informatio­n/media specialist sa US Department of State’s Asia-Pacific Media Hub, ang kanyang trabaho. Sina Andanar at Arcena ay dating magkasama sa TV5 network.

Sisimulan ni Arcena ang kanyang trabaho sa susunod na linggo at inaasahang makukumple­to ang sistema ng bagong opisina sa loob ng dalawang linggo.

Sa oras na maibalik ang OPS, sinabi ni Andanar na ang bagong global media affairs office ay magiging headquarte­rs para sa press attachés na itatalaga sa mga embahada ng bansa sa abroad.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines