Balita

Tagumpay ang ‘Gulayan sa Paaralan’ sa Region 11

-

PATULOY na napakikina­bangan ang “Gulayan sa Paaralan Program” (GPP) ng pamahalaan sa pagsusulon­g sa kaalaman sa kalusugan at nutrisyon sa mga magaaral.

Ayon kay Department of Agricultur­e (RA)-Region 11 Director Ricardo Oñate, ang Gulayan sa Paaralan, na bahagi ng High-Value Crops Developmen­t Program (HVCDP) ng kagawaran, ay naging magandang instrument­o laban sa malnutrisy­on sa mga magaaral at sa lokal na mga komunidad.

Ang programa, aniya, ay isang proyektong pinagtulun­gan ng DA at ng Department of Education (DepEd).

Nitong Biyernes, pinangunah­an ni Oñate ang seremonya para sa pagpaparan­gal sa Best GPP implemente­rs para sa taong 2018-2019.

Kabilang sa mga nagwagi ang Container Garden, elementary category, ng Guihing Central Elementary School sa Davao del Sur (unang gantimpala); ang Mawab Central Elementary School sa Compostela Valley (ikalawa); at ang Tuburan Village Elementary School sa Davao Oriental (ikatlo).

Wagi rin ang Container Garden, high school category, ng Tagum City National Comprehens­ive High School sa Davao del Norte (una); Basiawan National High School sa Davao Occidental (ikalawa); at Andili National High School sa Compostela Valley Province (ikatlo).

Kinilala rin ang nagsipagwa­gi sa field garden category para sa elementary­a at sekondarya.

Pinuri naman ni Oñate ang pagsisikap ng mga evaluators, na binubuo ng mga tauhan ng DA at DepEd, gayundin ang mga Gulayan sa Paaralan coordinato­r ng mga nakilahok na paaralan para sa tagumpay ng proyekto.

“It is very comforting to witness how the GPP has evolved not only as an effective advocacy tool but also on how it has mobilized and transforme­d various schools and communitie­s into a united and bankable force in our fight against malnutriti­on,” sabi ni Oñate.

Nabanggit din niya ang tagumpay ng Gulayan sa Paaralan sa pagpapabab­a ng kaso ng malnutrisy­on sa mga mag-aaral, na nagresulta sa pagtaas ng scholastic performanc­e.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines